• Viral sa social media ang bukas na liham ng isang sundalo
  • Ang liham ng sundalo ay para sa lahat ng tumututol sa anti-terror bill
  • Hindi umano alam ng mga kumokontra sa panukalang-batas ang pinagdaraan ng mga sundalong nilalabanan ang terorismo upang makamit ang kapayapaan sa bansa

Nag-viral sa social media ang bukas na liham ng isang sundalo para sa lahat ng mga nais ibasura ang anti-terror bill.

Imahe mula sa Hugot Sundalo Facebook page

Ang open letter ng hindi pinangalanang sundalo ay ibinahagi sa Hugot Sundalo Facebook page noong ika-5 ng Hunyo. Mayroon na ito ngayong mahigit 46,000 reactions, 11,000 comments at mahigit 51,000 shares.

Sinabi ng sumulat na isa lamang siyang hamak na sundalo na nais maglingkod sa bayan…ibinubuwis ang buhay upang makamit ang kapayapaan na, aniya, ay hindi makakamtan hangga’t mayroong mga taong nagmamanipula at gumagamit sa murang kaisipan ng mga kabataan.

Aniya, marami nang pinagdaan ang Pilipinas sa mga kamay ng terorista. Hindi umano ito ramdam sa Luzon kundi sa Visayas at Mindanao lang. Ipinaalala pa niya ang ilang malalagim na insidente noong mga nagdaang taon at maging sa kasalukuyang COVID-19 pandemic kung saan maraming kasamahan nila ang nalagas dahil sa mga naghahasik ng lagim.

Ayon pa sa kanya, nalulungkot siya na ang mga taga-Luzon pa na hindi naman nakaranas ng mga karahasan sa kamay ng kaaway ng estado ang nagnanais na ibasura ang nasabing bill. Hindi raw alam ng mga kumokontra ang tunay na dinaranas ng mga kababayang naninirahan sa Mindanao dahil sa mga kalabang ito.

Imahe mula sa Hugot Sundalo Facebook page

Isa lang umano ang panawagan niya sa lahat ng mga gustong ipabasura ang panukalang-batas.

“Kaya ito lang ang panawagan ko kung nais mong ibasura ang bill na ‘to: Pauwiin ninyo na kami at kayo na lang ang pumalit sa amin… Dahil hangga’t hindi ninyo nararanasan ito huwag ninyong sabihing may alam kayo sa terorismo,” anang sundalo.

Narito ang buong kopya ng bukas na liham:

Screenshot ng bukas na liham mula sa Hugot Sundalo Facebook page

Source :

Facebook, PTN