• Hinamon ni Sen. Nancy Binay ang DOTr officials na mag-commute
  • Ito ay upang maranasan nila ang hirap na dinanas ng mga pasahero dahil sa kanilang desisyon hinggil sa public transportation sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila
  • Tinawag ni Sen. Binay na “unrealistic,” anti-commuter,” at “anti-worker” ang pagba-ban ng mga jeepney sa kalsada

Kalbaryo ang naranasan ng mga commuters sa unang dalawang araw ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng bumibiyaheng pampublikong sasakyan.

Screenshot mula sa UNTV video

Hindi pa pinapayagan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na makabiyahe ang mga jeepney, UV Express, at ilang bus lines.

Ang mga transport vehicle network service, point-to-point buses, MRT augmentation buses at shuttle service lang ang pinapayagang makabiyahe sa ngayon, ngunit napatunayang kulang na kulang ito para sa mga dumagsang pasahero.

Dahil dito ay hinamon ni Senator Nancy Binay ang mga opisyal sa likod ng desisyon hinggil sa public transportation na iwanan ng mga ito ang kanilang mga sasakyang de-aircon at mag-commute upang maranasan ang hirap na dinanas ng mga pasahero na ang karamihan ay manggagawang nagbabalik-trabaho.

“Mabuti sila’t aircon ang mga sasakyan. Eh kung subukan kaya ng mga opisyal ng DOTr mag-commute mula sa kani-kanilang bahay papasok sa opisina nila?” hamon ni Senator Binay sa mga opisyal.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Nancy Binay

“Dapat maramdaman nila ang hirap na pinagdadaanan ng mga commuter. They won’t be able to plan well if they don’t feel and understand the people’s daily struggles. Napaka-unfair sa commuters na ‘yung mga private vehicles walang restrictions bumiyahe. Napaka-limitado ng choices nila,” sabi pa ng senadora.

Binatikos din ng senadora ang ginawa ng DOTr na pagde-deploy ng mga truck para libreng isakay ang mga na-stranded na pasahero kung saan hindi na nasunod ang social distancing.

Imahe mula sa Definitely Filipino

“DOTr knew that Metro Manila and the rest of the regions will soon be transitioning to the new normal. They knew that 30% of those in NCR will start going to work by June 1–tapos ang idi-deploy eh truck ng libreng sakay which compromise and breach all health protocols particularly physical distancing,” aniya.

Hindi rin umano pinag-isipang mabuti ng DOTr ang ginawa nitong paglilimita sa mga ruta ng sasakyan, sabi pa ni Sen. Binay. Tinawag niyang “unrealistic,” anti-commuter,” at “anti-worker” ang pagba-ban ng mga jeepney sa kalsada.

Imahe mula sa Definitely Filipino