• PTV, nagkamaling ginamit ang litrato ni Emilio Aguinaldo para sa feature story tungkol kay Andres Bonifacio
  • Humingi na ng paumanhin ang PTV tungkol sa nagawang pagkakamali
  • Ang maling video ay ginawa para sa PTV coverage ng 122nd Philippine Independence Day

Humingi ng paumanhin ang People’s Television Network (PTV) , ang state-run TV Network, dahil sa pagkakamaling nagawa sa isang special feature video para kay Andres Bonifacio sa coverage nito ng 122nd Philippine Independence Day nitong Biyernes, June 12.

Screenshot mula sa video ng PTV

Sa naturang video, larawan ni Emilio Aguinaldo, ang unang Presidente ng Pilipinas, ang ginamit ng PTV para sa video clip tungkol sa Philippine Revolution na pinangunahan ni Andres Bonifacio, ang bayani na nagtatag ng Katipunan at tinatawag na “Ama ng Himagsikang Pilipino.”

Ayon sa official statement na inilabas ng PTV, itatama nila ang maling video at i-a-upload sa kanilang social media pages. Magsasagawa umano ito ng skills development at iba pang pagsasanay upang maiwasan ang katulad na pagkakamali.

“In line with the recent coverage of the People’s Television Network on the 122nd Independence Day celebration which was aired live on 12 June 2020, a photo of President Emilio Aguinaldo was mistakenly used in a feature for intended for Andres Bonifacio. We sincerely apologize for this mistake. Rest assured that, under the new PTV Management, necessary training and skills development will be initiated to avoid similar inaccuracies,” pahayag ng PTV.

“The said error was already corrected and the revised version will be uploaded in the Network’s social media pages. We hope for your understanding in this matter,” sabi pa ng government-run TV network.

Screenshot ng PTV statement

Dahil sa pagkakamali ay binatikos ito ng ilang netizens.

“How can you mistake Aguinaldo for Bonifacio, vice versa? Mga grade schoolers or younger alam na ‘yan.”

“Elementary pa lang tayo alam na nating hindi naka-flat top si supremo, so bakit?”

Imahe mula sa Wikipedia