• Labing-anim na Pilipino ang pinalaya matapos bigyan ng royal pardon sa Bahrain
  • Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang hari ng Bahrain na si King Hamad Bin Isa Al-Khalifa
  • Ang kabutihang ginawa ng hari ay patunay sa matibay na samahan ng Pilipinas at Bahrain

Malugod na pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hari ng Bahrain na si King Hamad Bin Isa Al-Khalifa dahil sa pagbibigay nito ng Royal Pardon sa labing-anim na Pilipino, kabilang ang dalawa na nabigyan ng pardon kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Imahe mula sa Malacanang

“President Rodrigo Roa Duterte  extends his deepest gratitude to His Majesty King Hamad Bin Isa Al-Khalifa for granting Royal Pardon to 16 Filipinos in the Kingdom of Bahrain, including two who were pardoned on the occasion of Eid’l Fitr,” mensahe ng Office of the Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs (OPAFA).

Tinawag ni Robert Borje, Presidential Assistant on Foreign Affairs and Chief of Presidential Protocol, na isang “act of humanity” ang kabutihang ipinamalas ng hari na nagbigay-daan upang makalaya ang 16 na Pinoy at makauwi sa Pilipinas sa takdang panahon.

“This act of humanity by His Majesty King Hamad Bin Isa Al-khalifa provides renewed hope and an opportunity for our countrymen and women to build new lives,” pahayag ni Borje.

Sinabi pa ng OPAFA official na para kay Pangulong Duterte, ang ginawa ng hari ay isang patunay ng matibay na samahan ng Pilipinas at Bahrain. Binibigyang-halaga rin umano ng Pangulo ang magandang samahan nila ng hari.

Imahe mula sa News of Bahrain

“For President Duterte, the Royal Pardon is testament anew to the abiding ties between the Philippines and the Kingdom of Bahrain and the deep and strong relations with His Majesty King Hamad Bin Isa Al-Khalifa,” pahayag ng OPAFA.

Ayon pa dito, tiniyak umano ni Pangulong Duterte ang patuloy na pagkakaisa at matatag na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Screenshot ng statement ng OPAFA