• Naghahanda na ang PCSO sa muling pagbubukas ng mga lotto outlets
  • Hinihintay na lang ng PCSO ang desisyon ng Office of the President sa request ng PCSO na mag-resume ang lotto operations
  • Magsasagawa ng special draw ang PCSO para sa mga nabiling advance lotto tickets na hindi nabola dahil sa lockdown

Naghahanda na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa muling pagbubukas ng mga Lotto outlets na ang operasyon ay pansamantalang itinigil dahil sa community quarantine na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PCSO

Sinabi ni PCSO General Royina Garma na hinihintay na lang ng ahensya ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang hiling na maipagpatuloy na ang lotto operations at iba pang PCSO games kapag nagluwag na ang mga patakaran sa quarantine.

“Doon po sa pagre-resume ng operations namin, kami po ay sumulat na po sa office ng ating Presidente, hinihintay na lang po namin ‘yung approval,” wika ni Garma.

Sa oras na payagan na ang operasyon ng Lotto ay magsasagawa ang ahensya ng special draws para sa mga customers na bumili ng advance lotto tickets na hindi nabola dahil sa ipinatupad na lockdown.

“Once we will resume operations, magkakaroon po ng 15 days ng special draw,” saad ni Garma sa Laging Handa press briefing.

“Advance na pagbili ng ticket that is allowed is six days. So, itong six days, nakabili na po itong mga taong-bayan ng advance ticket, ida-draw po namin ‘yan once mag-resume kami. Kung mananalo sila, ang importante lang po is naitago po nila ang mga tickets nila. So, valid pa rin po lahat po iyon,” sabi pa niya.

Imahe mula sa PCSO

Nagsasagawa na ang PCSO ng simulation para sa gagawing special draw.

Ipatutupad sa mga lotto outlets ang ilang health protocols tulad ng social distancing ng dalawang metro sa pila ng mga tumataya, pagsusuot ng face mask at protective barrier sa pagitan ng lotto agents at bettors.

“Iyon po iyong pinaka-minimum na standard na isi-set namin but there are still other details din po idagdag namin, sa tingin namin na kakailanganin para po magiging safe po iyong ating mananaya at ating mga agents,” sabi ni Garma.

Plano ng PCSO na gawing “digital” ang pagtaya sa lotto upang maiwasan ang mahabang pila ng tao sa mga lotto outlets.

Imahe mula sa PCSO

Source :

Inquirer