• Nabisto ng NBI ang ilegal na COVID-19 testing clinic sa Las Piñas
  • Humigit-kumulang 100 Chinese POGO workers ang nadatnan ng NBI team sa ilegal na klinika
  • Isang Pilipino ang naaktuhang nag-a-assist sa rapid testing sa naturang klinika

Nabisto ng  mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktwal na ilegal na operasyon ng isang clinic na nagsasagawa ng COVID-19 rapid testing sa mga Chinese nationals na diumano ay mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Las Piñas.

Screenshot mula sa GMA video

Nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI batay sa mga impormasyong nakalap buhat sa mga concerned citizens.

Inabutan ng NBI ang nasa isandaang Chinese nationals sa clinic na nasa loob ng isang night market sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay NBI Special Investigator Gary Ruiz, kasama nila ang ilang kinatawan ng Food and Drug Administration (FDA) sa isinagawang raid sa night market. Nakasuot pa umano ng personal protective equipment (PPE) ang isang Chinese doctor na nagsasagawa ng rapid testing sa klinika.

“Pagpasok po namin kanina dito, kasama namin ang mga colleagues sa Food and Drug Administration, na-find out  po natin na itong naka-PPEs was manning the COVID-19 rapid test,” ani Ruiz.

Kabilang ang isang Pinoy sa mga nagsasagawa ng rapid testing, ngunit sinabi niyang nautusan lang siya ng pinagta-trabahuhang kumpanya na mag-assist.

Screenshot mula sa GMA video

“Tagabukas lang naman ako ng kit. Tapos patak ng solution. Basta inutos lang sa aking ng amo ko,” paliwanag ng Pilipinong clinic assistant na nakilalang si Jesse Collanes.

Sinabi ni Collanes na wala siyang ideya nang tanungin kung bakit kailangang patago ang ginagawang COVID-19 rapid testing sa mga Chinese nationals.

Ayon kay NBI Special Investigator Ruiz, ang Chinese doctor at ang Pinoy assistant nito ay kakasuhan ng paglabag sa Food and Drug Administration Act at Medical Act of the Philippines.