• Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay na pagawaan ng food supplent na Honey C sa Laguna
  • Ang operasyon ay isinagawa kaugnay ng advisory na inilabas ng FDA laban sa Honey C at iba pang produkto
  • Hindi aprubado ng FDA at misleading ang advertisement ng Honey C na sinasabing pangontra ito sa coronavirus

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang pagawaan ng pekeng food supplement sa Cabuyao, Laguna. Tinatayang aabot sa mahigit 24,000 botelya ng Honey C orange-flavored Drink Mix ang nasamsam sa isinagawang raid.

Screenshot mula sa GMA video

Batay sa ulat ng GMA, hindi umano rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang naturang food supplement at ibinebenta umano ito bilang pangontra sa COVID-19.

Matatandaang noong ika-8 ng Abril ng taong kasalukuyan ay naglabas ng isang advisory ang FDA na nagbibigay ng babala sa publiko laban sa ilang produkto na ang mga advertisement ay hindi aprubado at misleading. Kabilang sa mga ito ang Honey C na nagsasabing pangontra raw ito sa coronavirus.

“Mayroong misleading advertisement ito, eh. Sinasabi nilang anti-COVID, mag-boost ng immune system natin. ‘Pagka ganoon talagang kakagatin ng taumbayan,” sabi ni P/Lt. Col. Reycon Garduque, ang hepe ng PNP sa Cabuyao, Laguna.

Sinabi ni P/Lt. Col Garduque na dugyot at marumi ang bahay na pagawan ng food supplement. Ang tubig na inihalalo sa drink mix ay galing umano sa banyo kung saan halo-halo na raw doon ang mga insekto at mga pinagkainan. Hindi raw fit for human consumption ang mga produktong nasamsam.

Imahe mula sa FDA

Anim na katao ang dinakip sa isinagawang operasyon, kabilang ang isang distributor ng produkto at driver ng delivery truck.

Samantala, naglabas ng official statement ang New Amity Food Supplement Trading, ang manufacturer ng Honey C, upang pasinungalingan ang mga alegasyong kumalat sa social media.

Imahe mula sa Honey C Cabuyao Facebook page

Ilang resellers/distributors ng naturang food supplement ang nagsabi sa social media na ang ni-raid na bahay ay pagawaan ng imitation Honey C at hindi ang lehitimong manufacturer nito.

Batay sa  website ng FDA, ang New Amity Food Supplement Trading ay lisensyado bilang Food, exporter, wholesaler at ang validity ng lisensya nito ay hanggang sa August 28, 2021.

Imahe mula sa Honey C Cabuyao Facebook page

Source :

YouTube, FDA