• Nanawagan si Rep. Precious Hipolito-Castelo sa IATF na payagan na ang operasyon ng motorcycle taxi
  • Ito ay sa kondisyong may protective plastic shield sa pagitan ng pasahero at driver ng motorsiklo
  • Kung sa Indonesia ay pinayagan na ang motorcycle taxi, maaari na rin umano itong gawin sa Pilipinas

Nanawagan si Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo sa Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na pahintulutan nang makabiyahe ang mga motorcycle taxi sa bansa.

Imahe mula sa Angkas

Ito ay sa ilalim ng kundisyon na maglalagay ng protective plastic shield sa pagitan ng pasahero at driver ng motorcycle taxi. Maaari umanong ang IATF mismo ang magdisenyo ng protective shield.

Bukod sa protective plastic shield sa pagitan ng pasahero, ilan pang health protocols ang dapat ipatupad sa motorcycle taxi, kabilang na ang pagdadala ng pasahero ng sariling helmet at pagsusuot ng face mask. Ang driver naman ay nakasuot dapat ng protective personal equipment na aprubado ng Department of Health.

Dapat ding gawing contactless ang pagbabayad, ayon pa sa mambabatas.

“Other health protocols would be observed. The driver should be wearing Department of Health-accepted protective personal equipment, while the passenger should have his/her own helmet and face mask to ensure hygiene protocols. There should be contactless payment with the use of G-Cash or PayMaya. The use of government endorsed StaySafe app to determine probability of contamination could be required,” ani Rep. Hipolito-Castelo

Imahe mula sa Tempo

Kung nagawa na ng Indonesia na payagan sa kanilang bansa ang operasyon ng motorcycle taxi, maaari na rin daw itong gawin sa Pilipinas upang maibsan ang kalagayan ng maraming nawalan ng hanapbuhay sanhi ng COVID-19 pandemic.

Binigyang-diin ng mambabatas na mawawala na ang agawan sa pagsakay sa limitadong public transportation kapag pinayagan ang operasyon ng mga motorcycle taxi.

“Allowing motorcycle taxis to run again will ease congestion in public transportation,” aniya.

Imahe mula sa Tempo