• Artistang si Sheena Halili, on-the-way na sa pagiging nanay
  • Proud father ang asawa niyang abogado
  • Binati sila ng mga kasamahan ni Sheena sa showbiz

Mahaba-haba na rin ang nilakbay ng karera ni Sheena Halili sa showbiz; kagaya ng pagiging kontrabida sa buhay ni MariMar, mapagmahal na nanay ni Binoy Henyo at marami pang iba.

Ngayon, naghahanda naman ang aktres sa isa sa pinakamahalagang gagampanan niya sa totoong buhay — ang pagiging isang ina.

Image by Sheena Halili via Instagram

Nagbahagi si Sheena nitong linggo, sa kanyang Instagram account, ng mga larawan kung saan makikita ang kanyang baby bump at nilagyan ng kapsyon na, “And now we’re three! #13weeks!”

Karagdagan pang ibinahagi ng aktres ang ultrasound image ng kanyang baby; patunay na excited na nga ang aktres na maging isang nanay.

Anak niya ito sa asawang si Atty. Jeron Manzanero, Ikinasal sila noong February 23, 2020.

Batay sa GMA News, nag-aral si Jeron sa La Salle Greenhills at kumuha naman ng abogasya sa Ateneo Law School.

Nagtrabaho ang abogado bilang associate sa Chavez Miranda Aseoche Law Offices. Siya ay Legal Counsel ng City of Dreams at Legal Consultant ng City of Manila.

Dahil sa magandang balita patungkol sa pagdadalantao ng aktres, maraming kasamahan sa showbiz at tagahanga ang nagpadala ng pagbati.

“Ayun na… na-reveal na din hahahha. Congratulations ahak!,” sabi ni Marian Rivera. “Wohoo! Congrats Sheens,” pahayag naman ni Pauleen Luna.

Sabi ng isang netizen, “You are blessed, that’s a gift from God. Ingat ka lagi Sheens, one of my favorite actress in showbiz. Congrats po.”

Komento pa ng isa, “She just got married this year! Congrats! Honeymoon baby!”

Image by Sheena Halili via Instagram

Proud daddy si Jeron sa dinadala ni Sheena. Pahayag nito, na kung magtanong man sa hinaharap ang anak kung bakit naka-face mask ang kanyang mga magulang noong unang nalamang nabuo siya, ito’y dahil ito ang “worst of times and the best of times.”

Worst of times, aniya, dahil sa COVID-19 at best of times dahil ibinigay ng Panginoon ang anak sa kanila.

“As early as now, you already mean the world to me!”

Congrats, Sheena and Jeron! Godspeed to both.

Image by Jeron Uy Manzanero via Facebook