• Sinimulan na ng DOTr at MMDa ang paglalagay ng bike lane sa kahabaan ng EDSA
  • May lapad na 1.5 meters ang itinatayong bike lane
  • Isinusulong ng DOTr ang bisikleta at motorsiklo bilang mode of transportation kapag umiral na sa bansa ang new normal

Sinimulan na ngayong araw ng Sabado, ika-13 ng Hunyo, ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng protected bike lane sa buong kahabaan ng EDSA.

Imahe mula s DOTr

Napagkasunduan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at MMDA Chairman Danny Lim na madaliin ang pagtatayo ng mga protected bike lanes sa mga lansangan dahil marami nang mga mamamayan ang gumagamit ng mga bisikleta upang makarating sa patutunguhan sa gitna ng patuloy na pag-iral ng pandemya.

Ang pagdami ng mga mamamayang gumagamit ng bisikleta ay bunga ng ipinatutupad na limitasyon sa biyahe ng mga pampublikong mga sasakyan gaya ng jeepney, city bus at UV Express.

“As more people are shifting to this active mode of transport amid the crisis situation due to the coronavirus pandemic, our goal is to move people while making sure of their safety,” pahayg ni Sec. Tugade.

Ang bike lane project sa EDSA ay nahahati umano sa dalawa – interim at longterm. Ang lapad ng itinatayong bike lane ay isa at kalahating metro.

Imahe mula sa DOTr

Sinabi na noon ng DOTr na malaking papel ang gagampanan ng mga two-wheeled vehicles tulad ng motorsiklo at bisikleta para sa mga Pinoy commuters kapag inalis na ang mga community quarantine at umiral na sa bansa ang “new normal.”

Sinabi ng ahensya na isusulong nito ang paggamit ng motorsiklo at bisikleta bilang mode of transportation kapag lifted na ang lahat ng uri ng mga community quarantine.

Imahe mula s DOTr