• COVID-19 survivor na-guilty sa laki ng hospital bill na natanggap na umabot sa $1,122,501.04 o katumbas ng P56,437,208.31
  • Ang 70-year old na pasyente ay covered ng Medicare, ang government-funded insurance para sa mga matatanda
  • Nagi-guilty ang pasyente dahil alam niyang mga taxpayer ang magbabayad ng hospital bill niya

Isang pasyente ng COVID-19 ang muntik na raw matuluyan, hindi dahil sa coronavirus kundi dahil sa laki ng hospital bill na natanggap niya matapos ma-confine ng mahigit dalawang buwan sa isang pagamutan sa Seattle sa United States (US).

Imahe mula sa iStock

Kuwento ng gumaling na pasyente na kinilalang si Michael Flor, 70 years old, muntik nang “huminto” ang puso niya nang matanggap niya ang napakalaking hospital bill.

Si Flor, kilala ngayon bilang “longest-hospitalized COVID-19 patient,” ay ipinasok sa ospital noong March 4 at nanatili roon ng 62 days.

May isang punto na naging malubha ang kalagayan niya at inakala ng lahat na hindi niya iyon malalampasan. Idinikit daw ng nurse ang cellphone sa tainga ni Flor upang iparinig ang mga mensahe ng pamamaalam sa kanya ng pamilya niya.

Nalampasan nga niya iyon, subalit muntik na raw siyang matuluyan dahil sa hospital bill na ga-libro raw ang kapal na may 181 pahina. Umabot sa $1,122,501.04 o katumbas ng P56,437,208.31 ang total bill.

Kabilang sa hospital expenses ang $408,912 sa 42 days na ginugol niya sa intensive care unit, $82,215 sa 29 days na paggamit ng ventilator, halos $100,000 ang nagastos sa dalawang araw na naging malubha siya at ang iba ay sa mga gamot.

Screenshot mula sa video ng Seattle Times

Hindi naman kailangang maglabas ng ganoon kalaking halaga si Flor dahil covered siya ng Medicare, ang government-funded insurance para sa mga matatanda.

Masaya raw siya dahil nakaligtas sa COVID-19, subalit nagi-guilty siya dahil alam niyang mga taxpayers ang magbabayad ng malakig bahagi ng hospital bill niya.

“It was a million bucks to save my life, and of course I’d say that’s money well-spent … But I also know I might be the only one saying that,” aniya.

Screenshot mula sa video ng Seattle Times