• Dating senator Ramon Revilla, Sr. isinugod sa ospital
  • Naging kritikal ang kondisyon ng dating senador kaya’t nanawagan si Sen. Bong Revilla ng panalangin para sa pagbuti ng kalagayan ng ama
  • Lunes ng hapon ay ibinalitang naka-recover na ito at stable na ang kondisyon

Nananawagan si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ng panalangin para sa amang si former senator Ramon Revilla, Sr. na isinugod sa ospital Linggo ng gabi, ika-31 ng Mayo, at nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

“Thank you for your continuous prayers. Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours. More prayers please,” mensahe ng Sen. Bong Revilla sa social media.

Sa unang Facebook post ni Senator Bong Revilla, sinabi niya na dakong alas-sais ng gabi noong Linggo, ika-31 ng Mayo, ay sinugod niya ang 93-anyos na ama sa  St. Dominic Medical Center upang malapatan ng first aid dahil nahihirapan umano ang ama na makahinga.

“He was hard of breathing and was somewhat unresponsive,” anang senador.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng kanilang pag-aalala at panalangin para sa aking ama, dating Senador Ramon Revilla, Sr. Patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para muli niyang malampasan itong kanyang karamdaman,” sabi ng senador sa isa pang social media post.

Inilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang dating senador kung saan kinabitan siya ng ventilator.

Screenshot ng mensahe ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

“From St. Dominic Medical Center where he was given first aid and emergency medical services, he was transferred to St. Luke’s Medical Center – Global City where he is now undergoing treatment,” sabi ng senador.

UPDATE: Hunyo 1 3:30 PM

Samantala, nagkaroon na ng malay ang dating senador at responsive na umano ito. Nitong Lunes ng hapon ay kinumpirma ng kanyang apo na si Vice Gov. Jolo sa isang Facebook post na ito’y nasa stable condition na.

“Maraming salamat po sa inyong mga dasal para sa aking lolo, Sen. Ramon Revilla Sr. Daddy is now in stable condition and we are hoping for his speedy recovery. Let’s continue praying for one another, for our families and loved ones, as we go through this pandemic.”