• Dating guro, humihingi ng tulong para sa mga anak na may kapansanan
  • Lugmok na siya sa pagkakautang at hindi niya makuha ang natitirang bahagi ng pensyon dahil sa ECQ at walang magbabantay sa mga anak
  • May mga pagkakataong nawawalan na umano siya ng pag-asa pero kailangang magtiis

Walang makapapantay sa pagmamahal ng isang ina para sa mga anak, kaunting problema lamang ay aligaga na sila para matulungan ang mga ito.

Ano kaya ang pakiramdam ng isang ina kapag nakikitang nasa nakaaawang kalagayan ang mga anak at kapos siya sa pera?

Image by Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Naging emosyonal ang dating public school teacher na si Nanay Rosalinda, 75, sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo. Humihingi ito ng tulong para sa kanyang mga anak.

Nakapag-asawa si Rosalinda at nagkaroon ng apat na anak, at kumuha pa ng extra job sa pamamagitan ng pagtitinda ng appliances tuwing Sabado at Linggo para mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Kaya lamang, sunod-sunod na pagssubok  ang dumating sa kanyang buhay. Nagka-seizure ang panganay at simula noon ay nagiging bayolente na ito at kailangang maitali.

Sumunod namang na-depress ang isa sa kanyang mga anak at nagkaproblema makaraang magka-seizure din.

Nagsimula na ring nagpagala-gala ang isa pa niyang anak; pero mas maayos ang kalagayan nito ngayon dahil binibilhan niya ng pad paper at gustong sumulat.

Samantala, sumakabilang-buhay ang isa pa niyang anak; na sinundan pa ng pagka-stroke ng asawa. Anupa’t nagdesisyon ang guro na magretiro sa pinapasukang paaralan para maalagaan ang mga anak at asawa. Yumao din ang asawa kalaunan.

Ngayong mayroong COVID-19, hindi siya kwalipikadong makatanggap ng anumang ayuda gaya ng SAP dahil mayroon siyang buwanang pensyon.

Lugmok na siya sa pagkakautang at tanging P3,000.00 na lamang ang naiiwan sa kanyang pensyon na hindi niya rin makuha dahil hindi pa pinapayagang lumabas ang mga senior citizen at walang mag-aalaga sa mga anak.

Image by Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Araw-araw siyang nagluluto, naglilinis, naglalaba, at pinapakain ang mga anak; unti-unti na rin daw siyang nawawalan ng lakas pero kailangang magtiis.

Umaasa siya ng tulong mula sa mga mabubuting loob.

Aniya, “Kung maaari sana, pahabain pa ang buhay ko upang makahanap ako ng mga tao na may puso na tutulong sa kanila.”

Batay sa GMA News, maaaring ipadala ang tulong sa ACCOUNT NAME: ROSALINDA CABILTES | ACCOUNT NUMBER: 09109734685 | GCASH/G-XCHANGE, INC.

Panoorin ang buong kuwento sa Facebook upload ng KMJS: