• Baul ng kayamanan na ibinaon sampung taon na ang nakalilipas, natagpuan na
  • Ibinaon ni Forrest Fenn ang baul sa kagubatan ng Rocky Mountains
  • Libo-libo ang sumali sa treasure hunt at noong nakalipas na linggo ito natapuan ng hindi nagpakilalang treasure hunter

Natapos na rin sa wakas ang treasure hunt na tumagal ng isang dekada matapos matagpuan ng isang treasure hunter ang nakatagong baul na puno ng ginto, alahas at iba pang mamahaling bagay na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong dolyar.

Imahe mula sa Pixabay

Sampung taon na ang nakalilipas nang i-anunsyo ni Forrest Fenn, isang mayamang art and antique collector mula sa New Mexico,  na ibinaon niya sa kagubatan ng Rocky Mountains sa western North America ang baul at hinikayat niya ang publiko na  hanapin iyon.

Libo-libong tao ang sumali sa treasure hunt. Marami sa kanila ang nag-resign sa kanilang mga trabaho upang hanapin ang hidden treasure. At nito ngang nakaraang linggo ay natapos na ang hunt dahil natagpuan na ang baul.

Sa website niyang Old Santa Fe Trading Co, kinumpirma ng ngayon ay 89 years old nang si Fenn na natagpuan na ang baul. Hindi raw niya kilala ang nakakuha ng kayamanan, subalit ang isang tula na inilathala niya sa aklat niyang “The Thrill of the Chase” ang naging gabay ng maswerteng treasure hunter.

“It was under a canopy of stars in the lush, forested vegetation of the Rocky Mountains and had not moved from the spot where I hid it more than 10 years ago. I do not know the person who found it, but the poem in my book led him to the precise spot,” sabi ni Fenn.

Screenshot mula sa CNN video

Sinabi pa ni Fenn na ayaw ipabanggit ng treasure hunter ang pangalan nito. Nagpadala lang ito ng larawan ng nasabing baul bilang katunayan na siya ang nakahukay ng kayamanan.

Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ni Fenn ngayong tapos na ang treasure hunt.

“I feel halfway kind of glad, halfway kind of sad because the chase is over,” aniya.

Screenshot mula sa CNN video