• Kailangan ng DepEd ang tulong ng mga LGUs sa pamamahagi ng learning materials sa mga estudyanteng walang access sa internet
  • Maging ang parent-teacher associations at mga guro ay tutulong din sa pamamahagi
  • Base sa ginawang pag-aaral ng DepEd, tinatayang 25% ng mga Pilipino sa buong bansa ang walang internet connection at gadgets

Para siguruhin na walang bata na mapag-iiwanan pagdating sa edukasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, kakailanganin ng Department of Education (DepEd) ang tulong ng mga local government units (LGUs) sa pamamahagi ng learning materials sa mga estudyanteng walang access sa internet at hindi kayang bumili ng gadgets.

Imahe mula sa Arab News

Hindi umano kakayanin ng DepEd kung ang ahensya pa ang magpapamahagi ng mga learning materials.

“Ito ay hindi kaya ng DepEd kung DepEd lang ang gagalaw,” sabi ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sa  isang televised press conference.

Aniya, base sa ginawa nilang pag-aaral, tinatayang 25% ng mga Pilipino sa buong bansa ang walang internet connection at gadget.

“Bayanihan po talaga. Ang mga Pilipino pag nagtulong-tulong walang impossible,” sabi pa ng DepEd official na naniniwalang hindi sila bibiguin ng LGU officials.

“I worked as a teacher after I graduated. I also became a principal before so, I know how helpful the mayors, vice-mayors and barangay officials are. In fact, we received reports that the Sangguniang Kabataan have already expressed their support to help in the distribution,” sambit pa ni Usec. San Antonio.

Imahe mula sa China Daily

Hihingin din ng DepEd ang tulong ng parent-teacher associations at mga guro sa distribusyon ng learning materials.

Binigyang-diin ni Usec. San Antonio na kung hindi pa rin papayagan ang face-to-face classes, ang pag-aaral ay hindi lang naka-focus sa online education. May iba pa umanong options tulad ng modular at blended learning gamit ang telebisyon at radio.

At kung sakali namang papayagan ang face-to-face classes, sinisiguro ng DepEd na mahigpit na ipatutupad ang physical distancing measures.

Imahe mula sa ABS-CBN