• Pulis, iba pang mamamayan nagtulong-tulong para malipat ang tumirik na delivery truck sa highway
  • Nagdulot kasi ng trapik ang tumirik na delivery truck
  • Aktibo rin ang Iguig PS sa pagpapatupad ng Adopt-A-Family Program

Talagang hindi nawawalan ng mga Mabubuting Samaritano ang Pilipinas, katulad na lamang ng pulis at iba pang mamamayan na nagtulong-tulong upang maiahon ang isang delivery truck na tumirik sa Brgy. Bayo, Iguig, Cagayan.

Image by Iguig PS via Facebook

Ibinahagi ng Iguig PS sa Facebook na nakita umano ni Police Senior Master Sergeant Joseph Paolo Orpiana ang delivery truck na tumirik sa highway kaya’t kasama ang iba pang mamamayan ay pinagtulungan nilang itulak ang sasakyan.

Dulot ng kanilang pagkakaisa, matagumpay nilang naalis sa highway ang sasakyan at nailipat sa gilid ng daan para maayos ito.

Nagdala kasi ng trapik ang tumirik na sasakyan, mabuti na lamang at nalipat ito.

Bahagi ng post, “Hindi ito [PSMS Orpiana] nag dalawang isip at agad-agad niyang tinulungang ang driver para itulak ito para maitabi sa gilid ng daan para hindi ito magdulot ng trapiko at para matulungang ayusin ang nasabing truck.”

Maliban dito, aktibo rin ang Iguig PS sa pagpapatupad ng Adopt-A-Family Program.

Noong May 21 ay namahagi sila ng tig-limang kilo ng bigas at dalawang kilo ng beans sa nasa 470 na pamilya sa bayan.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang kabutihang isinasagawa ng kapulisan. Komento ng isa, “Wow, salamat PNP. God bless you all and more blessings to come.”

Image by Iguig PS via Facebook

Nawa’y dumami pa ang mga pulis na may mabubuting kalooban.

Matatandaang nag-trending din nitong nakaraang buwan ang magnobyong pulis na sina Patrolman John Cleveland Pannogan at Nannette Velasco matapos piliing ibigay na lamang ang P50,000.00 na inipon pang-kasal sa Adopt A Family Program ng PNP.

Image by Jay Cee Pee via Facebook

P50-K na gagamiting pangkasal ng magnobyong pulis sa Kalinga, ibinigay sa kawanggawa