• Sa dami ng bugso ng tao sa pampublikong lugar sa unang araw ng MECQ at GCQ, hindi simpleng 2nd wave ang dapat asahan kundi isang tsunami ng COVID-19 cases
  • Sinabi ni Sen. Nancy Binay na hindi pa naisasakatuparan ng mga LGUs ang COVID T3 strategy
  • Ang ipinatutupad na MECQ at GCQ ay nakatakdang matapos sa ika-31 ng Mayo

Hindi lang simpleng 2nd wave kundi “tsunami” ng COVID-19 infections ang maaring mangyari sa bansa kung pagbabatayan ang maraming mamamayan na dumagsa sa mga pampublikong lugar sa unang araw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) noong Sabado, ika-16 ng Mayo, ayon  kay Senator Nancy Binay.

Imahe mula sa tweet ni Mark Samson

Ang mas nakababahala pa umano ay idineklara na ang MECQ at GCQ, ngunit tila hindi pa handa ang mga local government units (LGUs) at ibang national agencies sa COVID-19 test, trace, treat (T3) strategy na dapat raw ay maayos nang tumatakbo sa ngayon.

“What is worrisome is that when the IATF (Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases) declared some areas as GCQ and MECQ, the LGUs and even national agencies are not even prepared, or even near in realizing the COVID T3 strategy which is supposed to be already in a satisfactory operational level by this time,” pahayag ng senadora noong Linggo,ika-17 ng Mayo.

“Kaya ‘yung sinasabing ‘second wave,’ we all know that it’s not a question of if, but when. At kung pagbabatayan natin ‘yung bugso ng mga tao kahapon, well, don’t expect just a second wave, prepare for a tsunami!” babala niya.

Imahe mula sa PNA

Ang MECQ at GCQ ay ipinatupad sa Metro Manila at sa ibang panig ng bansa hanggang ika-31 ng Mayo kasunod nang pagtatapos ng mas mahigpit ng ECQ noong ika-15 ng Mayo.

Naniniwala naman sa ibang mga senador na ang Pilipinas ay hindi pa natatapos sa 1st wave ng COVID-19 infections dahil sa kakulangan ng massive testing at contact tracing ng mga COVID-19 positive patients.

Imahe mula sa National Policy Against COVID-19