• Hindi hinihikayat ang religious gatherings subalit papayagan ito ng IATF sa MECQ at GCQ areas
  • May limitasyong itinakda ang IATF sa bilang ng maaaring dumalo sa mga religious gatherings
  • Hanggang limang katao lang sa MECQ areas at hanggang sampung katao sa GCQ areas ang maaaring dumalo sa pagtitipong pang-relihiyon

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagssagawa ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ), ngunit may limitasyon.

Imahe mula sa PNA

Sa ilalim ng omnibus guidelines for the implementation of community quarantine na inilabas ng IATF noong Biyernes, ika-15 ng Mayo, ang bilang ng maaaring dumalo sa mga pagtitipong pang-relihiyon sa mga MECQ areas ay hindi dapat lumampas sa limang katao.

Sa mga lugar naman na nasa ilalim ng GCQ, hanggang sampung katao lang ang maaaring duamalo sa mga religious gatherings.

“While adhering to the prescribed minimum health standards, religious gatherings are not encouraged but in any case should be not more than 10 persons,” nakasaad sa IATF omnibus guidelines.

Ang ganitong uri ng pagtitipon ay hindi pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng mahigpit na ECQ tulad ng Cebu City at Mandaue City, subalit pinapayagan naman ang galaw ng  mga pari, pastor at iba pang religious leaders upang magsagawa ng funeral rites.

Imahe mula sa National Catholic Reporter

Samantala, nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, isang organisasyon na accredited ng Simbahang Katoliko, sa mga mananampalatayang Katoliko na huwag kalimutan ang simbahan at patuloy na magpadala ng mga donasyon.

Sinabi ni Laiko president na si Rouquela Ponte na ang regular na koleksyon ng Simbahang Katoliko ay natigil nang ipairal ang ECQ.

“As a result, collections and various offerings to our churches have also stopped. As members of the Church, we know that all the services and duties of our parishes and diocese require our continued contributions. Therefore, we must not forget and neglect this important and fundamental duty,” panawagan ni Ponte.

Imahe mula sa Licas NEws

Source :

PNA, Philstar