• Inirekomenda ng IATF na isailalim ang Metro Manila sa GCQ mula June 1 hanggang June 15, 2020
  • Ang mga barangay na may mahigit dalawang COVID-19 cases ay ilalagay sa total lockdown
  • Napagkaisahan din ng 17 Metro Manila mayors na irekomenda sa Pangulo ang GCQ para sa buong Metro Manila

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na ang buong Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) simula sa June 1 hanggang June 15.

Imahe mula sa Toyota

Kinumpirma ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes, ika-28 ng Mayo.

“For Metro Manila, our recommendation is that it undergoes general community quarantine, except for high risk barangays, the so-called critical zones, which will stay under total lockdown. For the meantime, June 1 to 15 ang coverage ng ating magiging bagong announcement o deklarasyon,” anang kalihim ng DILG.

Aniya, ang mga barangay na mayroong mahigit dalawang COVID-19 cases sa loob ng pitong araw ay ituturing na high-risk areas.

Sinabi ni Sec. Año na ang pinal na desisyon kung isasailaim na sa GCQ ang Metro Manila ay na kay Pangulong Duterte.

Inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakatakdang ipaalam ng Pangulo ang kanyang desisyon sa kanyang televised address gabi ng Huwebes.

Public Domain image

Sinabi naman ni IATF special adviser Tony Leachon na ang Cebu City ay mananatili sa modified enhanced community quarantine dahil marami pa ring COVID-19 sa lugar.

Ipinahayag din ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng labimpitong Mayors ng Metro Manila, na nais nilang ilagay sa GCQ ang buong Metro Manila.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng MMC, maiibsan ang negatibong epekto sa ekonomiya ng COVID-19 restrictions kapag nasa GCQ na ang National Capital Region dahil papayagan na ring makapag-operate ang mga non-essential industries at ilang uri ng public transportation maliban sa bus at jeepney na hindi pa rin papayagan.

Imahe mula kay San Juan City Mayor Francis Zamora