• Floyd Mayweather pinayuhan ang mga batang boksingero na huwag nang habulin si Manny Pacquiao dahil may edad na ito
  • Sagot ni Pacquiao, inggit lang si Mayweather dahil siya ay aktibo pa sa laro
  • Pacquiao: “Kami, active pa, at saka may korona pa tayo”

Tila hindi nagustuhan ni Manny “Pacman” Pacquiao ang komento ni retired undefeated boxer Floyd  “Pretty Boy” Mayweather Jr. na huwag na umanong hangarin ng mga batang boksingero na makatunggali ang nauna dahil may edad na ito.

Images by Floyd Mayweather and Manny Pacquiao via Instagram

Payo ni Mayweather sa mga batang atleta, batay sa panayam ng Fight Hype, “It’s sad to hear you guys say, ‘I want to fight Manny Pacquiao.’ But Manny Pacquiao is 41 now. Don’t chase him.

“You young guys chase each other. But stop chasing this old man. If the opportunity presents itself, go out and do what you got to do. Let Manny Pacquiao pick and choose who he wants to fight.”

Sagot naman ni Pacquiao, batay sa The Manila Times, naiinggit lang si Mayweather dahil retired na ito samantalang aktibo pa siya at mayroon pang titulo.

“Naiinggit lang ‘yun kasi retired na siya. Kami, active pa, at saka may korona pa tayo.”

Dagdag ng Pambansang Kamao, maayos pa ang kanyang pisikal na kondisyon at may balak pa siyang makipag-duwelo sa boxing ring oras na matapos na ang COVID-19 pandemic.

Pero paglilinaw niya, ang kapakanan muna ng mga mamamayan at pagsugpo sa COVID-19 ang uunahin niya bilang Senador ng bansa.

Parehong sikat at mahusay na manlalaro sina Pacquiao at Mayweather. Kinokonsidera ng marami bilang “one of the most anticipated sporting events in history” ang labanan nila noong May 2, 2015.

Wikimedia Commons

Tinatayang nakakuha ng 4.4-million purchases ang pay-per-view nito na kinikilalang highest-grossing PPV sa kasaysayan ng boksing.

Nagresulta ang laro sa pagkapanalo ni Mayweather via unanimous decision na umani ng kontrobersiya dahil sa pagiging ‘defense-oriented’ ng Mexican boxer at ang hirap ng Filipino boxer para mailapag ang mga suntok nito sa kalaban.

Marami naman ang umaasa na sana’y magkaroon ng ikalawang bahagi ang tunggalian ng dalawa.

Image by Floyd Mayweather via Instagram