• Inilunsad ng DSWD ang ReliefAgad mobile app para sa online registration sa SAP
  • Magsisilbing pilot area na gagamit ng ReliefAgad app ang Metro Manila
  • Maaari itong ma-access ang ReliefAgad app sa reliefagad.ph

Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila ang magsisilbing pilot area para sa paggamit ng ReliefAgad mobile app para sa mas mabilis na registration sa Social Amelioration Program (SAP) at pag-release ng cash aid sa mga benepisyaryo.

Screenshor mula sa YouTube video

“Sa kasalukuyan ay ipa-pilot run pa muna natin ang aplikasyon ng ReliefAgad sa mga beneficiaries under the National Capital Region,” pahayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Ayon kay Dumlao, ang ReliefAgad mobile application ay nagawa sa tulong ng Department of Information and Communications Technology, Developers Connect Philippines at United States Agency for International Development.

Ipinaliwanag ni Dumlao na ang mga beneficiaries na mayroon nang hawak na SAP form ang gumamit ng mobile app. Maaari itong ma-access sa www.reliefagad.ph upang ma-scan ang barcode sa ilalim ng SAP form.

Kailangang mag-fill out ng mga hinihinging impormasyon bago i-click ang submit button.

“Sa pamamagitan ng aplikasyong ito, mas magiging mabilis din ang gagawing balidasyon ng DSWD sa mga nakatanggap ng ayuda,” sabi pa ni Dumlao sa Laging Handa press briefing.

Imahe mula NoypiGeeks

Sa app ay may electronic payment system na maaaring gamitin ng beneficiaries upang makuha ang 2nd tranche ng cash aid.

Iaanunsyo ng DSWD kung kailan maaaring magamit ang Relief AGad mobile app sa ibang lugar.

Para sa mas detalyadong impormasyon hinggil sa ReliefAgad mobile App, panoorin ang video: