• Sa kabila ng mañanita controversy, si NCRPO director Sinas ay mananatili pa rin sa puwesto
  • Sinabi ng PNP chief na si Gen. Archie Gamboa na mahirap palitan si Sinas
  • Less neglect of duty ang ikinaso ng PNP-IAS kay Sinas

Sa kabila ng nagawang paglabag sa quarantine rules batay sa mga larawan ng selebrasyon ng kanyang kaarawan na ipinost sa social media, si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas ay mananatili pa rin sa kanyang puwesto, ayon sa hepe ng Philippine National Police (PNP).

Imahe mula sa PIO NCRPO

Paliwanag ni PNP chief General Archie Gamboa, napakahirap palitan si Sinas dahil sa dami ng mga programa nito hinggil sa COVID-19 crisis. Sana raw ay maunawaan ng publiko na nasa kalagitnaan ang bansa ng isang emergency situation.

“I hope the public would understand kasi nandito tayo sa emergency situation. Kapag palitan mo siya we will never know, napakahirap palitan dahil ang dami niyang programa in relation sa COVID. Siya ‘yung nag-establish noong mga naunang quarantine,” anang hepe ng PNP.

Bukod sa mga programang may kinalaman sa health crisis, binanggit din ng PNP chief na nang umupo si Sinas bilang NCRPO director ay nahinto ang illegal gambling sa National Capital Region o Metro Manila.

“Hindi lang iyon, there’s a lot. Alam naman natin na noong umupo siya sa NCRPO huminto talaga ang illegal gambling sa National Capital Region,” paliwanag pa ni General Gamboa.

Imahe mula sa PIO NCRPO

Inamin naman ni Gen. Gamboa na may nakitang paglabag na ginawa sina Sinas at iba pang PNP officials batay sa imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.

Ang ikinaso ng IAS kay Sinas ay less neglect of duty batay sa mga larawang nakalap mula sa social media bilang ebidensya. Maaari pa umanong ma-upgrade ang kasong isinampa kung sa paglilitis ay may makikitang mas malaking paglabag.

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Source :

Philstar, YouTube