• Pasig City Mayor Vico Sotto pinuri ng CHR sa pagkilala nito sa LGBTQ couples
  • Matatandaang kinilala ng alkalde bilang isang pamilya ang LGBTQ partners na may anak na dapat bigyan ng cash assistance
  • Tinawag ng CHR ang cash assistance para sa LGBTQ bilang “inklusibong ayuda”

Isa ang Pasig City, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Vico Sotto, sa mga local government units na madalas mapuri ng publiko dahil sa mahusay nitong pagtugon sa COVID-19 crisis.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto

Noong nakaraang buwan ay matatandaang inanunsyo ng bagito ngunit mahusay na alkalde na ang lahat ng mga Pasigueño na hindi nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development ay bibigyan ng cash assistance na nagkakahalaga ng P8,000 sa ilalim ng Supplemental SAP ng Pasig City.

Hindi lang ang tradisyunal na pamilya o ang tinatawag na nuclear family ang kasama sa bibigyan ng ayuda kundi maging ang solo parents, married couples na walang anak, at maging LGBTQ (lesbian, gay bisexual, transgender, queer) partners na may anak.

Pinuri ng Commission on Human Rights ang alkalde sa pagkilala niya sa mga LGBTQ couples .

“Ingklusibong ayuda, gusto natin yan!  OK na OK ang panukala ni Pasig City Mayor Vico Sotto na siguruhing lahat ng pamilya ay makakatanggap ng social amelioration program—mula sa tradisyunal o nuclear families, solo parents, mga senior citizens na kasama ang mga apo, mga mag-asawang wala pang anak, at mga LGBTQ partners na may anak,” post g CHR sa Facebook page nito.

Imahe mula sa CHR Philippines

Ang post ng CHR noong ika-17 ng Mayo ay kasabay ng pagdiriwang ng International Day against Homophobia, Transphobia and Biphobia.

Ayon sa komisyon, ang buong bansa ay dapat nagkakaisa na may “solidarity and hope” pagdating sa mga isyu ng LGBTQ dahil kailangan ng lahat na bigyan ng pagtratong may dignidad.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto