• Hinabol at niyakap ng isang lalaking COVID-19 positive ang mga kapitbahay niya
  • Nagalit ang lalaki sa mga kapitbahay nang kunan siya ng video habang sinusundo ng mga health workers upang dalhin sa quarantine facility
  • Iniutos ng Deputy Mayor ng lugar na magsagawa ng contact tracing at disinfection sa bahay ng pasyente na taga Indonesia

Isang lalaki sa Indonesia ang tila gusto pang mandamay sa pagiging COVID-19 positive niya nang habulin at yakapin niya ang ilan niyang mga kapitbahay sa Tasikmalaya sa West Java.

Imahe mula sa The Jakarta Post

Batay sa ulat ng The Jakarta Post, positibo ang resulta ng ginawang swab test sa lalaking tinukoy lang sa initials na AR.

Gumawa ng kaguluhan si AR nang tanggihan niya ang isang team ng medical workers na dalhin siya sa ospital upang isailalim sa mandatory isolation.

Galit na galit umano si AR nang sunduin siya ng medical team na nakasuot ng hazmat suit para madala sa pagamutan. Mas lalo pang nag-init ang ulo niya nang magsimulang kunan ng video ng mga kapitbahay niya ang pagkuha sa kanya ng mga health workers.

Sa galit niya, hinabol at pinagyayakap ni AR ang mga kapitbahay niya para mahawaan ang mga ito ng COVID-19.

“What are you staring at? I will hug you all. You will soon be people under monitoring,” sigaw ni AR bago niya hinabol at niyakap ang mga kapitbahay.

Sa bandang huli ay nahikayat din si AR na sumama nang matiwasay sa isang quarantine facility.

Imahe mula sa Asia One

Kinumpirma ni Tasikmalaya Deputy Mayor Muhammad Yusuf ang insidente. Aniya, siya ang nag-utos sa mga medical workers na sapilitang kunin si AR sa bahay nito upang madala sa isolation room.

“I have ordered a team to forcibly take the patient, because if not, it would be dangerous for the neighborhood if transmission occurs,” ani Yusuf.

Ipinag-utos rin ng deputy mayor na hanapin ang lahat ng mga taong nakahalubilo at magsagawa ng disinfection sa paligid ng bahay ng pasyente.

Imahe mula sa Jakarta Globe