• Hindi na magpapatupad ng malawakang lockdown sakaling magkaroon ng 2nd wave ng COVID-19 infections
  • SInabi ni Health Secretary Duque na gagawing localized ang lockdown
  • Kung sa isang barangay ay magkaroon ng panibagong kaso ng COVID-19, iyon lang ang ila-lockdown

Hindi na magpapatupad ng malawakang lockdown sa bansa kung sakaling dumating ang pinangangambahang 2nd wave ng COVID-19 infections, ayon sa mga opisyal.

Imahe mula sa Daily Tribune

Ganito ang kasagutan na ibinigay nina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of FInance Secretary Carlos Dominguez sa katanungan ni Senator Lito Lapid hinggil sa kahandaan ng bansa sa oras na muling tumaas ang bilang ng COVID-19 cases.

Sa hearing ng Senado hinggil sa COVID-19 response ng pamahalaan, sinabi ni Health Sec. Duque na sa halip na malawakang lockdown ay gagawin na lang itong “localized.”

“May gagawin na po tayong stratehiya, localized na po ang quarantine measures. Hindi na ito para sa malawak na lugar,” sagot ng kalihim sa katanungan ni Sen. Lapid.

Paliwanag ni Sec. Duque, sakaling may mga nagpositibo sa COVID-19 sa isang barangay, ang naturang barangay lang ang isasailalim sa lockdown at hindi ang buong siyudad o munisipalidad.

“Mas naka focus na ang quarantine measure natin. Kung may mag-positive na dalawa sa isang barangay, iyon na lang ang ila-lockdown,” aniya.

Imahe mula sa UNTV

Sabi ni Sec. Dominguez, kakayanin ng ekonomiya ng ating bansa ang second wave ng COVID-19 infections kung ang mga future lockdown na ipatutupad ay localized.

“If we have a second wave, as Secretary Duque explained, we will probably lock down on smaller areas. For instance, instead of locking down the whole of Metro Manila siguro, they will lock down a few barangays or maybe a city, but by doing that we can sustain it financially,” paliwanag ng Finance secretary.

Sabi ni Sec. Dominguez na kung sakaling may 2nd wave ng infections, sana raw ay hindi malawak ang area na maapektuhan.

Imahe mula sa PCOO

Source :

GMA Network, MSN