• 2nd tranche ng CACAF ng Lungsod ng Maynila ipamamahagi na
  • Mahigit 607,000 families ang inaasahang mabibigyan ng ayudang P1,000 per family
  • Mamamahagi rin si Mayor Isko Moreno ng food packs at hygiene kits sa 275,000 public school students mula kinder hanggang Grade 12

Masayang ibinalita ni Mayor Isko Moremo na naaprubahan na ang resolusyon para sa 2nd tranche ng City Amelioration Crisis Aid Fund (CACAF) kung saan muling bibigyan ng tig-iisang libong piso ang mahigit 607,000 families mula sa 896 barangays sa Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa Manila PIO

“Ito naman po ang aasahan niyong ayuda sa darating na dalawang linggo ng buhay natin ngayong Mayo. Naaprubahan na po last week ang second tranche ng CACAF. Tayo po ay muling magbibigay sa inyo mga kababayan ng P1,000 pesos per family sa targeted 607,000 families sa Lungsod ng Maynila,” pahayag ni Mayor Isko sa kanyang social media account.

Agad umanong sisimulan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng CACAF ngayong linggong darating.

“Iyan po ay mararamdaman niyo na this coming week. We will give that immediately. In our own little way, mga kababayan, in our own little way, maibsan man lang namin ‘yung mga pangangailangan niyo sa buhay,”” anang alkalde.

Noong nakaraang buwan ay mahigit 567,000 families ang nakatanggap ng unang bugso ng CACAF.

Inihayag din ni Mayor Isko na ang lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila mula kinder hanggang Grade 12 ay makatatanggap ng food packs at hygiene kits ngayong buwan ng Mayo.

Imahe mula sa Manila PIO

Tinatayang aabot sa 275,000 public school students ang mabibiyayaan ng nabanggit na ayuda.

Samantala, nagpapatayo na ng sariling COVID-19 Testing Laboratory ang city government sa Sta. Ana Hospital upang mapalakas ang kanilang mass testing operations.

“The more we test, the more cases we confirm, the more patients we’re able to isolate and treat. This is our long term plan for you and for the city,” sabi ng alkalde.

Imahe mula sa Manila PIO