• Grupo ng kabataan, binigyan ng libreng pagkain ang mga food delivery rider
  • Ginawa nila ito kahit na mainit ang panahon
  • Umani ng papuri mula sa netizens ang kabutihang ipinakita ng mga ito

Matatawag na kabayanihan ang hindi matatawarang sakripisyo ng ating mga frontliner ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Halimbawa ng frontliners ang mga doktor, nars, mamamahayag, pulis, basurero at food delivery riders.

Marapat lamang na sila’y alalayan at suportahan.

Image by Phele Guintivano Garferio via Facebook

Sa gitna ng mga pagsisikap na ginagawa ng mga delivery riders, marami pa rin ang mga nananamantala kagaya ng paggawa ng prank, pagkansela ng order sa huling minuto, hindi pagsipot sa order at marami pang iba.

Kaiba naman dito ang ginawa ng mga Mabuting Samaritano (grupo ng kabataan) sa Iloilo City na namimigay ng libreng pagkain sa mga dumaraang rider.

Pagbabahagi ni Phele Guintivano Garferio sa Facebook, “We can be heroes in our own different ways.

“We were in the middle of the traffic when we saw these people giving out free food for food delivery drivers (under the scorching sun). Imagine? They did not let COVID-19 stop them from helping.”

Hinikayat ni Phele ang mga may mabubuting loob na ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya at manatiling masigla. Sinabi rin niyang nawa’y biyayaan pa sila ng Panginoon.

Habang ipino-post ito, nakaabot na sa 2,000 reaksyon at nasa 1,200 pagbabahagi ang update.

Umani ito ng papuri sa mga netizen. Sabi ng isa, “Ito ang future ng ating bayang ‘Pilipinas.’ Sana lahat ng kabataan ma-involve sa ganito at hindi sa kung saan-saan. Good job guys.”

Image by Phele Guintivano Garferio via Facebook

Komento naman ng isa, “Mabuhay kayong mga kabataan na mabuti ang pag-iisip para makatulong sa kapwa. Saludo ako sa inyo.”

“Meron kasing mga kabataan ngayon na sa gitna ng pandemya ay nagagawa pang manloko o mang-prank sa ating mga food delivery riders para lamang mapansin sa social media.”

Nabanggit din sa comment section na binigyan din ng mga kabataan ng pagkain ang mga taxi drivers, jeepney drivers at tricycle drivers.

Public Domain Photo