• Trending ang Fabunan Anti-Viral Injection sa social media, pagkat gamot umano ito sa COVID-19
  • Pero sabi ng DOH, hindi ito rehistrado sa FDA na naglabas ng “cease and desist order”
  • Kakasuhan ang sinumang gagamit ng FAI

Sa pagnanais na makahanap ng agarang lunas sa COVID-19 at muling makabalik sa normal ang pamumuhay, samu’t-saring posibleng gamot ang naglalabasan sa social media na kinabibilangan ng Fabunan Anti-viral Injections (FAI).

Image from Pexels and Fabunan Medical Clinic via Facebook

Nabanggit sa mga kuwentong naglalabasan online na naging matagumpay ang paggagamot ng FAI sa mga pasyenteng nagkasakit ng dengue, chikungunya, dog bite at iba pa kaya’t posibleng kayanin din umano nito ang COVID-19.

Nadiskubre ito ni Dr. Ruben Fabunan at nakakuha umano ng US-patent para rito, na kombinasyon ng mga gamot na mabibili over-the-counter.

Kamakailan, naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ng “cease and desist order” o tuluyang pagbabawal sa paggamit ng FAI dahil sa hindi ito rehistrado at wala pang inaprubahan ang ahensya na anumang gamot o bakuna para sa COVID-19.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “They still have not applied for CPR [certificate of product registration]. They were already issued a cease and desist order by FDA, case buildup is being done already.”

Pinag-aaralan na rin nila ang mga social media post na nagpapakita ng muling paggamit ng gamot sa Zambales. Nasabi nya na papatawan ng karampatang parusa ang sinumang gagamit ng FAI.

Dagdag ni Vergeire, nasa FDA ang hurisdikyon sa mga hindi rehistradong gamot samantalang ang Professional Regulation Commission (PRC) ang namamahala sa kasanayan sa medisina.

Imahe mula sa DOH

Hikayat ng DOH Undersecretary, “We encourage local scientists who may have developed [treatments] to apply with the FDA. We do this for the protection of the public, as many unregistered products have proliferated globally which might hurt people and even cause death.”

Patuloy umano ang pagbibigay ng DOH ng makabagong impormasyon sa publiko kung sakaling mayroon nang gamot na may potensyal gamutin ang COVID-19 na naaayon sa siyensya.

Imahe mula sa PNA