• Coco Martin humingi ng paumanhin kay Solicitor General Jose Calida
  • Sinabi ng actor na alam niyang mabuting tao ang solicitor general
  • Maraming netizens ang nagulat sa pagbabago ng tono ng aktor

Maraming netizens ang nagulat sa biglang pagbabago ng tono ng aktor na si Coco Martin sa isang Instagram post niya patungkol kay Solicitor General Jose Calida hinggil sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Facebook page ng Coco Martin Fans Club

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin ni Coco Martin nang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN matapos mag-isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Kapamilya network dahil paso na ang congressional franchise nito noong ika-4 ng Mayo. Naniniwala ang ABS-CBN na si SolGen Calida ang nag-udyok sa NTC na maglabas ng cease and desist order.

“Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!” bahagi ng isang mensahe ni Cooco Martin patungkol sa mga taong nasa likod ng ABS-CBN closure.

“Tinata***tad0 n’yo ang mg Pilipino,” mariing sambit ng aktor sa isa sa mga post niya patungkol sa mga nagpasara ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Facebook page ng Coco Martin Fans Club

Ngunit bigla ngang nagbago ang tono ng aktor at humingi pa ng pasensya kay SolGen Calida. Sinabi pa niya na alam niyang isang mabuting tao ang opisyal.

“Alam ko po na mabuti kayong tao. Kung anuman po ang inyong nagawa, maaaring tawag iyon ng inyong tungkulin,” panimula ni Coco sa post niya sa Instagram.

Humingi rin si Coco ng paumanhin sa mga binitiwan niyang mga salita laban kay Calida.

“Pasensya na po kayo kung may nasabi po kami na galit sa aming dibdib at sana maunawaan din po ninyo iyon,” sabi pa ng actor na kilala bilang Cardo Dalisay sa “Ang Probinsyano” TV series ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Facebook page ng Coco Martin Fans Club

Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa post ni Coco:

“Mga artista feeling entitled. Biglang nag-iba ihip ng hangin??

“Idol kita Coco pero anyare sa ‘yo? (Ano’ng) ginagawa mo sa mga post mo?”

Source :

Abante, Instagram