• Mga paninda sa supermarket dinilaan umano ng isang babae sa California
  • Dinakip ang babae dahil hindi niya kayang bayaran ang mga dinilaang paninda
  • Itinapon ang mga dinilaang paninda na nagkakahalaga ng $1,800 dahil sa panganib ng kontaminasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic

Isang babae ang dinakip ng mga awtoridad matapos nitong dilaan ang mga paninda sa isang supermarket sa South Lake Tahoe sa California.

Imahe mula sa Safeway

Ayon sa salaysay ng mga empleyado ng Safeway, kumuha ng ilang jewelry items ang babaeng nakilalang si Jennifer Walker, 53 anyos na residente ng South Lake Tahoe, at isinuot ang mga iyon sa kanyang kamay at pagkatapos ay dinilaan.

Bago pa makahuma ang mga empleyado ng supermarket ay kumuha ng ilan pang paninda si Walker at lahat ay dinilaan kaya tumawag na sila sa mga awtoridad.

Sabi ng tagapagsalita ng South Lake Tahoe Police Department na si Chris Fiore, nakatanggap sila ng tawag mula sa Safeway noong Martes, ika-7 ng Abril, dahil sa ginawa ni Walker na pagdila sa mga paninda.

“When officers arrived on the scene, a Safeway employee informed them that the suspect put numerous pieces of jewelry from the store on her hands. The suspect licked the jewelry then began to load her cart with merchandise from the store,” wika ni Fiore.

Sabi pa ni Fiore, nadatnan nila si Walker sa loob ng supermarket na may shopping cart na puno ng mga grocery items na nagkakahalaga ng $1,800. Wala umanong kakayahan ang suspek na bayaran ang mga paninda na dinilaan niya.

Imahe mula sa City of South Lake Tahoe

Kakasuhan si Walker ng felony vandalism dahil sa ginawa. Ang mga panindang dinilaan niya ay itinapon na lang dahil sa panganib ng kontaminasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Marami ang naniniwala na ang ginawa ni Walker ay bahagi ng nauusong “coronavirus challenge” sa TikTok.

Source :

ABS-CBN, Narcity