• Lazada at Shopee nag-anunsyo na muli silang nagde-deliver ng mga essential products
  • Suspendido muna ang cash on delivery o COD option
  • Maaari raw gamitin ang LazWallet o ShopeePay para sa pagbabayad ng order

Maaari na ulit makapag-padeliver ng mga pangunahing pangangailangan sa Lazada at Shopee habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Imahe mula sa Lazada/Shopee

Maaalalang nag-anunsyo ang Lazada at Shopee na pansamantalang ititigil ang kanilang normal na operasyon noong unang linggo ng Luzon-wide community quarantine.

Kamakailan, inanunsyo ng dalawang higanteng e-commerce company na muli nilang ipinagpatuloy ang delivery services para sa mga essential products kabilang ang alcohol at sanitizer, vitamins at supplements, baby personal care products, sariwang karne at gulay, de lata, snacks, cleaning supplies at marami pang iba.

Ang COD o cash on delivery option ay pansamantalang sinuspinde, subalit maaari namang magbayad ang shoppers sa pamamagitan ng non-cash payments gamit ang LazWallet at ShopeePay.

“Hi Shopee Fam! As we prioritize everyone’s health and safety, we will only be fulfilling orders for essential goods starting today. For more updates, keep following Shopee PH! Stay safe and healthy,” mensahe ng Shopee noong March 27.

Imahe mula sa Shopee

“We now deliver Essential Goods! Order your alcohol & sanitizers, personal care & baby care essentials, vitamins & supplements, and household cleaning supplies on Lazada. Choose non-cash payment options like Lazada Wallet for faster, safer transactions.Go to lazada.com.ph to replenish your stocks,” mensahe naman ng Lazada noong March 30.

Itinuro pa ng Lazada kung paano umorder sa kanila.

“Ordering in Lazada is via mobile app, just download our Lazada App available on iOS and Android. Click lang po natin ‘yung link na ito https://goo.gl/kEQNhd para sa karagdagang information kung paano po mag-order. Thank you and enjoy shopping!”

Imahe mula sa Lazada