• Humakot ng atensyon sa social media ang mga medical technologist na nakasuot ng PPE na kagaya ng suot ng mga bida sa isang sikat na palabas sa Netflix
  • Tumatalakay ang Money Heist sa isang grupo na nagsasagawa ng pagnanakaw sa mga bangko at pagawaan ng pera
  • Ang mga PPE na suot ng mga frontliner ay mula mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Walang magawa sa bahay at panay ang panonood ng Netflix? Paniguradong makaka-relate ka rito.

Image by Boylyn Cezar via Facebook

Humahakot ngayon ng atensyon sa social media ang mga medical frontliner na nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPEs) na halos kapareho ng suot ng mga bida sa Money Heist o La casa de papel.

Sikat na palabas sa Netflix ang Money Heist. Tumatalakay ito sa isang misteryosong lalaki na nakilala sa pangalang “The Professor” na bumuo ng grupo para magnakaw sa mga bangko at pagawaan ng pera.

Ibinahagi ni Boylin Cezar sa Facebook ang kanyang masayang pose kasama ang mga katrabaho sa Medical Center Manila suot ang mga PPE na donasyon mula mismo sa Concerned Employees of Bangko Sentral ng Pilipinas FSD7, ayon sa Bandera.

Ani Boylin, “Epekto ng COVID-19 at Netflix quarantine. Thank you to our Medical Director Dr. Eseque, chief Anchi Kath Reyes and Dra. Sarah Datay Lim for the support.

Nagpasalamat din ang mga frontliner sa mga mabubuting loob na nagbibigay sa kanila ng pagkain.

Nagkomento naman ang mga netizen, sabi ng isa, “Mabuhay po kayo at ingatan po kayo ng Diyos. Salamat, aming mga bayaning frontliner.”

Sabi pa ng isa, “Hala sir boy, kapapanood ko lang nyan. Hahaha. Keep safe po.”

Komento naman ng iba, “Sinunod mo talaga ‘yung hashtags! Hahaha. Love it. Nasaan ka jan sir? Sana pala sinuot mo ‘yung blazer mo para ikaw ‘yung professor. Hehehe.”

Matatandaang kalalabas lamang ng ikaapat na season ng palabas nitong buwan.

Image by Boylyn Cezar via Facebook

Umani ng paghanga ang palabas dahil sa sopistikadong kuwento, direksyon, interpersonal na drama at pagsisikap na i-innovate ang mundo ng telebisyon sa Espanya.

Noong 2018, isa ito sa mga pinaka-pinanood na non-English language series sa streaming site. Isa rin ito sa most-watched series sa Netflix.

Ano ang masasabi mo sa kasuotang ito ng ating mga frontliner?

Image by Boylyn Cezar via Facebook