• Juan Karlos Labajo sumuko na sa paghahanap sa ama
  • Ang ama ni Juan Karlos ay isang German national na nagngangalang Oliver Stolz
  • Nag-iwan si Juan Karlos ng mensahe sa WhatsApp account ng ama ngunit hindi ito sumasagot

Tila sumuko na si Juan Karlos Labajo, ang singer-songwriter-actor na lalong kilala dahil sa popular niyang kantang “Buwan,” sa matagal na niyang paghahanap sa ama na hindi nakapiling sa kanyang paglaki.

Imahe mula sa Facebook page ni Juan Karlos

Oliver Stolz ang pangalan ng tatay niya na naninirahan umano sa Munich, Germany. Sanggol pa lang raw si Juan Karlos nang iwan sila ng ama. Tanging ang ina ang nag-aruga sa kanya ngunit maaga rin siyang naulila rito dahil sa malubhang karamdaman noong 12 anyos pa lang siya.

Ibinahagi ni Juan Karlos, 19 anyos, na ginawa niya ang lahat ng maaari niyang magawa para lang matagpuan ang amang hinahanap. Hindi lang daw simpleng Facebook search ang ginawa niya.

“I have been looking for my father for years now and I have tried everything possible to look for him. It’s not as simple as a Facebook search. I deeply appreciate everyone’s efforts to help. Lot’s of love from me to you,” aniya.

Madali lang sana ang paghahanap dahil sa internet, subalit walang social media account ang ama.

“His name is Oliver Stolz. Apparently he is from Munich. My dad doesn’t have social media. He is not on Facebook. He is not on IG. He is not on Twitter,” sabi pa ni Juan Karlos.

Imahe mula sa Inastagram account ni Juan Karlos Labajo

Noong nakaraang linggo, pagkatapos alisin ni Juan Karlos ang mga lumang posts sa Instagram account niya ay nag-post siya ng larawan ng ama niya. Kuha raw ang larawan noong taong 2001. Nagpatulong siya sa mga netizens na mahanap ang ama.

“Missing person, email me if found” ang caption na inilagay ni Juan Karlos kasama ang larawan.

Noong nakaraang taon ay may nagbigay raw sa kanya ng phone number ng ama. Ilang beses siyang tumawag, subalit hindi sinasagot ang mga tawag niya.

“Hindi naman ako nasaktan o nalungkot na ‘di ko nakasama tatay ko sa paglaki kasi mas higit pa ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng aking lola, tito, at aking ermats. Ang pinakamasakit lang para sa akin ay yung wala siya sa mga panahong sobrang kinailangan siya ng nanay ko. Hanggang sa huli niyang hingalo, hindi man lang siya nagpakita,” sabi ni Juan Karlos sa isa niyang Instagram story.

Imahe mula sa Instagram account ni Juan Karlos Labajo

Nitong nakaraang ilang araw, isang tao na tumutulong sa kanya ang nagsabing may Whatsapp account daw ang ama niya.

Nag-iwan siya ng mensahe sa Whatsapp messenger para sa ama, subalit wala rin itong sagot. At makalipas ang ilang araw ay “blocked” na siya sa account ng ama.

Ani Juan Karlos, siguro raw ay may iba nang pamilya ang ama at hindi nito gustong maging bahagi siya nito.

Pinasalamatan niya ang lahat ng taong tumulong sa kanya. Aniya, “Thank you to everyone who gave their time and effort in helping me. I appreciate it.”

Imahe mula sa Facebook page ni Juan Karlos