• Mga magsasaka nag-iwan ng mga gulay at prutas sa natutulog na mga batang lansangan sa Malabon
  • Sigurado raw na ligaya ang idudulot ng handog na gulay at prutas sa mga bata kapag nagising na sila
  • Ang naturang grupo ng mga magsasaka ang grupo rin na namahagi ng gulay sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal

Tiyak na masusurpresa ang mga bata na natutulog sa lansangan sa Malabon City paggising nila dahil magigisnan nila ang maraming gulay at prutas na iniwan para sa kanila ng isang grupo ng mga magsasaka mula sa Cordillera.

Imahe mula kay Jake Gayog

Sa Facebook post ng isang Jake Gayog, makikita ang ilang bata na natutulog sa gilid ng kalsada sa Malabon City. Makikita rin ang mga gulay at prutas na iniwan ng mga magsasaka gaya ng broccoli, Baguio beans, papaya at mga strawberry.

Sabi ni Ginoong Gayog, sigurado raw na ligaya ang idudulot ng handog na gulay at prutas sa mga bata kapag nagising na sila. Mararamdaman umano ng mga ito ang pagmamahal ng mga magsasaka mula sa Cordillera.

“When the kids will wake up, even if they did not meet their donor face to face, I’im very sure it will bring joy to this kids ,they will feel the love of cordillera farmers,” ani Mr. Gayog.

Sabi niya, bigla niyang naalala ang mga anak niya nang makita ang mga bata sa lansangan. Nakaramdam siya ng pangamba para sa mga bata dahil sa panahong ito ay napakapeligroso ang manatili sa labas ng bahay dahil sa coronavirus na mabilis makahawa.

Imahe mula kay Jake Gayog

“Na-miss ko tuloy mga anak ko. Napaka-unfair,  ‘di alam ng mga bata gaano kadelikado ang kanilang sitwasyon. Kung pwede ko lang kayo maisama sa bundok at mamuhay kayo sa aircon na libre…kung pwede lang sana,” may himig ng lungkot na sambit ni Ginoong Gayog.

Ang grupo ng mga magsasakang nagbigay ng gulay at prutas sa mga batang lansangan sa Malabon ay ang grupo rin na namahagi ng gulay sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong buwan ng Enero.

Source :

ABS-CBN, Facebook