• Daan-daang container vans ng bigas at daing na kumpiskado ng BoC Davao, dapat ipamahagi agad sa mga tao
  • Nauna nang naipamahagi sa isang malaking pagamutan ang kumpiskadong shipments ng medical equipment
  • Makatutulong sa decongestion ng mga pantalan ang pagdo-donate ng mga kumpiskadong shipments

Kamakailan, inatasan ni Deputy Speaker at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang Bureau of Customs Davao na makipag-ugnayan sa DSWD upang maipamahagi ang walong container vans ng medical equipment na hindi na kinuha ng consignee at kumpiskado na ng Customs upang mai-donate sa ospital.

Imahe mula sa Tribune

Ang mga medical equipment kabilang ang mga gurneys, wheelchairs, bed-side and operating tables, dialysis chairs, medical trolleys, crutches, pharmaceutical refrigerators at sterilizers ay nai-donate na sa Southern Philippines Medical Center.

Matapos iyon ay muling inatasan ni Rep. Duterte ang BoC Davao na alamin kung may iba pang mga shipments na maaari pang i-donate.

“Upon checking, there are about 100-300 containers of rice and another 100-300 containers of dried fish which can be turned over to the government for donation,” pahayag ni Rep. Duterte.

Nanawagan si Rep. Duterte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing mas madali ang distribution process upang mabilis na makarating ang mga pagkain sa mga mamamayan nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Malaking tulong umano sa mga mamamayan ang mga kumpiskadong bigas at daing.

“We will have these turned over to DSWD. But we urge them to ease the process so we can distribute these to families as soon as possible. We know that there is a process but this should be treated with urgency. We need to feed the people and these could help,” wika ni Duterte.

Imahe mula sa Bandera

Paliwanag ni Duterte, ang pagdo-donate ng mga nakumpiskang shipments sa Customs ay malaking tulong sa mga mamamayang nagugutom at nakatutulong din na ma-decongest ang pantalan upang makapasok ang mga paparating na shipments ng medical supplies.

“On the one hand, we’ll have more food to distribute to families who need them the most. On the other, our ports will be decongested upon the release of these container vans, making way for incoming shipments containing essential goods like PPEs (personal protective equipment). It’s a win-win situation for us,” aniya.