• Pinoy na walang travel history sa labas ng bansa, nagpositibo sa COVID-19
  • Dahil walang kasaysayan na bumiyahe sa labas ng bansa ang pasyente, indikasyon ito na dito sa loob ng bansa nakuha ang virus
  • Ang pasyente ay madalas bumisita sa Muslim prayer hall sa Greenhills Shopping Center
  • Pansamantalang ipinasara ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang prayer hall at ipina-sanitize ang buong shopping complex

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang isang lalaking senior citizen na walang travel history sa labas ng bansa ay nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).

Screenshot mula sa video ng News5

Sa isang press conference, sinabi ng DOH na lima na ang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa. Ang unang tatlo ay mga Chinese nationals na bumisita sa bansa, ang ikaapat ay isang Pinoy na nagpositibo pag-uwi dito galing sa Japan.

Naka-confine siya ngayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang, Muntinlupa City at nasa stable condition.

Ang ika-limang COVID-109 patient ay isang 62-year-old na lalaki na regular na bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa loob ng Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

“The patient sought medical consultation at a hospital at Metro Manila last March 1, and was admitted with severe pneumonia. Specimen collected on March 4 tested positive from COVID-19 on March 5,” pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III.

Dahil walang kasaysayan na bumiyahe sa labas ng bansa ang ikalimang pasyente, indikasyon ito na dito sa loob ng bansa nakuha ang virus.

Imahe mula sa Abante

“The absence of travel history is a clear indication that this is a local case. There is no transmission to speak about yet because we only have one. It’s premature to say there is a local transmission that’s why we’re doing contact tracing,” ani Sec. Duque.

Sa isinagawang contract tracing, isa sa malapit na kapamilya ng 5th patient ang nakararanas na rin ng sintomas ng COVID-19.  Kasalukuyan na itong binabantayan sa RITM kasama ng kaanak na positibo sa virus.

Hinihikayat ni Sec. Duque ang lahat ng mga bumibisita sa nabanggit na Muslim prayer hall na agad tumawag sa DOH kapag nagkaroon ng lagnat o anumang respiratoy symptoms.

Samantala, ipinag-utos na ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pansamantalang pagpapasara sa prayer hall. Inatasan na rin niya ang city health office at ang Greenhills Shopping Center management na i-sanitize ang buong shopping complex.

Imahe mula kay Badudoy/CC BY-SA 3.0