• Naniniwala umano si Sen. Richard Gordon na nag-eespiya ang China sa bansa sa pamamagitan ng POGO
  • Posible umanong may mga miyembro ng People’s Liberation Army sa mga POGO
  • Ang People’s Liberation Army ay ang armed forces ng China

Naniniwala si Senator Richard Gordon na may mga miyembro ng People’s Liberation Army (PLA), ang armed forces ng China, ang naka-infiltrate sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO upang magsagawa ng pag-eespiya sa Pilipinas.

Imahe mula sa The PH Chronicles

“Naniniwala ako na infiltrated ‘yan (POGO) ng PLA dahil ang laki-laki niyan. Ilagay mo na lang 200,000 ‘yan na nagtatrabaho dito, nakatigil dito,” sabi ng senador sa isang radio interview.

Aniya, napakalaki ng intelligence network ng China.

“Peoples Liberation Army, napakalakas niyan sa China. They are the biggest intelligence agency, mas malaki pa sa Amerika,” wika ni Sen. Gordon.

Posible raw na pinag-aaralan na ng mga espiya kung aling lugar sa bansa ang maaaring sakupin at kung nasaan ang mga lokasyon ng military bases ng Pilipinas.

Partikular na nabahala ang senador sa insidente ng pamamaril na naganap sa Makati City kamakailan lang kung saan ang mga nahuling Chinese suspects ay nakitaan ng PLA identification cards.

“Bakit sila may baril? Nakakabahala itong nangyayari. Nagkakaroon sila ng baril, ng firing range,” aniya.

Screenshot mula sa video ng PTV

Itinanggi naman ng hepe ng Makati P0lice na miyembro ng PLA ang mga suspek na nadakip.

“Hindi rin member ng People’s Liberation Army or Chinese military ang mga suspects,” pahayag ni P/Colonel Rogelio Simon.

“Nakuhanan lang sila ng mga personal belongings na may mga ID ng sinasabing identification cards ng PLA o Chinese army pero hindi sila ang mga sinasabing nasa ID. Iba ang mga pangalan at iba rin ang mga mukha,” paliwanag ng opisyal.

Kasalukuyang sinisiyasat ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa POGO operation ang insidente sa Makati City.

Screenshot mula sa video ng PTV