• Itinuturing na bayani sa Italy ang isang Pinoy janitor dahil sa dedikasyon niya sa trabaho
  • Sa kabila ng banta sa kalusugan dahil sa COVID-19 ay patuloy niyang ginagampanan ang paglilinis sa Bologna Centrale railway station
  • Ang buong Italy ay naka-lockdown dahil sa umiiral na pandemic

Matagal nanag naninirahan sa Italy ang Pinoy na si Lester Ramones, mahigit labing-isang taon na. Ilang taon din siyang nagtrabaho bilang service crew ng McDonald’s doon bago siya lumipat bilang janitor sa isang malaking railway station – ang Bologna Centrale railway station.

Imahe mula sa Facebook account ni Ngolupac Nyleon Agnayacal

Sabi niya, dalawang taon na siya roong nagtatrabaho bilang janitor at hindi niya inakalang ituturing siyang isang bayani sa Italy dahil sa dedikasyong ipinakita niya sa kanyang trabaho sa kabila ng banta ng SARS-CoV-2, ang virus na dahilan ng COVID-19.

Isang Italian reporter umano ang nag-interview sa kanya tungkol sa ginagawa niyang pagdi-disinfect sa railway station kahit na may nakaamba iyong panganib sa kanyang kalusugan. Nai-feature siya sa isang news site doon.

May kaba at takot mang nararamdaman, araw-araw na ginagampanan ni Lester ang tungkulin niyang linisin ang istasyon ng tren. Aniya, ang Milan, kung saan siya naninirahan, ang unang tinamaan ng virus. May mga kaso na rin ng ganito sa Bologna, aniya. Nasa isandaan na raw.

“Unang ni-lockdown ang Milano dahil sa katigasan ng ulo ng mga Italyano. Ang titigas ho ng ulo, hindi sila naniniwala. Meron na ho na mga kaso ng COVID-19 dito sa Bologna, marami na rin. Umabot na ho ng isandaan,” sabi ni Lester sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Imahe mula sa Facebook account ni Ngolupac Nyleon Agnayacal

Dahil sa lockdown ay wala nang tao sa railway station kaya sinabi ni Lester na mas ligtas ang pakiramdam nila sa ginagawang paglilinis. Subalit sa April 3, 2020 ay nakatakdang muling buksan ang istasyon ng tren sa publiko.

“Hindi naman ho mahirap ang trabaho ko, ngayon lang dahil sina-sanitize namin ang lahat ng mga hawakan ng tao. Nag-spray kami ng mga disinfectant. Para sa akin, ngayong walang mga tao o pasahero, mas safe kami. Pero hindi namin alam ang mangyayari kapag nagbalikan ang maraming tao dahil magbubukas ang train station sa April 3,” aniya.

Hindi alam ni Lester kung kailan matatapos ang health crisis, subalit umaasa siya na lilipas din ito dahil gusto na niyang magamit ang plane ticket na nabili para makapagbakasyon sa Pilipinas. Tubong  Tarlac si Lester.

Imahe mula sa Italia Rail

Source :

PEP, Facebook