• Hinihikayat ni Senator Grace Poe ang mga successful Pinay na tulungang ang kapwa nila babae
  • Tungkulin umano ng mga successful Pinay na ihanda ang landas na susundan ng mga kapwa babae
  • Aniya, nananatili pa rin ang double standard laban sa mga kababaihan pagdating sa leadership position

Nanawagan si Senator Grace Poe sa lahat ng mga Pilipinang nagtagumpay sa kani-kanilang mga larangan na gumawa ng mga oportunidad upang tulungang umangat ang estado ng kapwa nila babae na nasa marginalized sector.

Imahe mula kay Sen. Grace Poe

Tungkulin umano ng mga successful Pinay na ihanda ang landas na susundan ng mga kapwa babae.

“It is incumbent on those of us who have succeeded in our careers, to help pave the way for others to follow. We have to hang together or we hang separately so let us help each other,” anang senadora.

Sa pagbabahagi ng kanyang karanasan sa public service, nakalulungkot umano na nananatili pa rin ang double standard laban sa mga kababaihan pagdating sa leadership position.

Nananatiling limitado pa rin ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng bansa at malaking hamon pa rin ang kinahaharap ng mga babaeng nasa leadership position.

Aniya, kapag ang lalaki ay mahigpit sa kanyang pamumuno ay pinupuri pa ito at tinatawag na good Boss. Samantalang kapag ang babaeng lider ay naghigpit tinatawag siya sa mapanirang salita.

Imahe mula kay Sen. Grace Poe

“Women’s roles in nation-building still appear restrictive. Being a woman in a leadership position has always been a challenge. When a man is tough, people will say he’s a good boss or a good leader. But if it’s a woman who is tough or strict, she’s called… it also begins with a ‘B’ but derogatory,” paliwanag ni Poe.

Sinabi pa ng senador na sa bawat babaeng nakarating sa rurok ng tagumpay, napakaraming mga kababaihan naman ang patuloy na nakikibaka upang makaahon sa lugmok na kalagayan.

Ang mensahe ni Senator Poe ay kasabay ng pagdiriwang sa bansa ng National Women’s Month ngayong Marso.

Imahe mula sa OVCRE