• Mga simbahan sa South Korea isinara dahil sa COVID-19
  • Mayroon nang 3,726 cases ng COVID-19 infection sa South Korea – ang pinakamaraming kaso ng impeksyon sa labas ng China
  • Nanawagan si South Korean President Moon Jae-In ng pagkakaisa at nangako ng mas maigting na hakbang laban sa virus

Sarado ang mga simbahan sa South Korea nitong Linggo, ika-1 ng Marso, dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus (COVID-19) infection sa bansa. Karamihan sa mga ito ay nagsagawa na lang ng church services sa kanilang mga website.

Imahe mula sa Yonhap

Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Korea na isinara ang pintuan ng mga simbahan para sa mga mananampalataya, ayon sa isang professor.

“This is the first time that churches are officially postponing services in the 100 years of Protestant history and 200 years of Catholic history in Korea,” sabi ni Professor Won Jae-chun ng Christian Handong Global University sa Pohang sa North Gyeongsang, South Korea.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3,726 cases ng COVID-19 infection – ang pinakamaraming kaso ng impeksyon sa labas ng China. Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, ang nobenta prosyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 infection ay mula sa siyudad ng Daegu at sa kalapit na North Gyeongsang province.

Kasunod nito ay nanawagan ang pamahalaan ng Korea sa mga mamamayan nito na hangga’t maaari ay iwasan muna ang pagdalo sa mga church services, political events at iba  pang outdoor activities at manatili na lang sa loob ng bahay.

Imahe mula sa Yonhap

Sa Seoul, ang kapitolyo ng South Korea, ilang mananampalataya ang pinauwi ng Ypido Full Gospel Church. Nagsagawa na lang ito ng misa sa YouTube para sa 560,000 followers nito.

“I had heard there would be no service, but just came to check as I live nearby, but yes, it is so empty. It’s a wise decision to do it online, since the virus would easily spread at mass gatherings and churches can be no exception,” sabi ng isa sa mga pinauwi ng simbahan na si Song Young-koo.

Nanawagan si South Korean President Moon Jae-In ng pagkakaisa at nangako ng mas maigting na hakbang, kabilang na ang karagdagang pondo, upang pigilan ang pagklat pa ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Imahe mula sa Yonhap