• Nanawagan ang DILG sa publiko na i-report sa ahensya ang mga pulis na nanghaharang ng mga frontliners sa mga checkpoints
  • Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kunin ang pangalan ng pulis na humaharang at itawag sa DILG Emergency Operations Center
  • Itawag ang reklamo sa DILG Emergency Operations Center hotlines 09274226300, 09617721668 at 028763455 local 881

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko, kabilang na ang mga health workers at iba pang frontliners na tumutugon sa health crisis na i-report sa ahensya ang mga p0lice officers na humaharang sa kanila sa mga checkpoints.

Imahe mula sa RMN

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya, kunin ang pangalan ng pulis na humaharang at itawag sa DILG Emergency Operations Center.

“’Yung mga kababayan na naaantala sa checkpoints na yan… kung meron pong report, pwede tumawag sa DILG Emergency Operations Center. Kunin niyo po ‘yung pangalan ng pulis… ‘yung humarang sa inyo at itawag niyo sa amin,” ani Usec. Malaya.

Ang panawagan ng DILG ay kasunod ng mga ulat na may mga health workers at mga delivery trucks na may kargang mga produktong pangunahing pangangailangan ang hinaharang sa checkpoints.

“I heard that some nurses are walking at checkpoints. Nurses and doctors need not be blocked at checkpoints. Truck drivers have to be allowed unimpeded entry,” ani DILG Usec. Malaya.

Maaaring itawag ang reklamo sa  DILG Emergency Operations Center hotlines 09274226300, 09617721668 at 028763455 local 881.

Imahe mula sa DILG

Sinabihan din ni Usec, Malaya ang Philippine National Police na sundin ang order ni Pangulong Rodigo Duterte at hindi ang utos ng local government units.

“I think there is also different signals coming from the local government units. To our policemen, you take instruction from the President not from local government officials,” aniya.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine guidelines, ang mga public health workers, private health workers at health workers, at volunteers mula sa Philippine Red Cross at World Health Organization ay dapat makapasok sa checkpoints.

Ang delivery ng mga pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ay hindi dapat hinaharang sa checkpoints.

Imahe mula sa Metro News Central

Source :

Inquirer, Abante