• Food at medical supply manufacturers hinihikayat na pansamantalang itigil ang operasyon
  • Nakiusap ang DTI na kung ang manufactrers ay may isa o dalawang buwang imbentaryo ng mga produkto ay magpatupad ito ng “manufacturing holiday”
  • Ito ay upang mabawasan ang mga taong kailangang lumabas ng kanilang mga tahanan

Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ng mga food and medical supply manufacturers na pansamantalang itigil ang kanilang mga operasyon upang mabawasan ang mga manggagawang kailangang pumasok sa trabaho.

Imahe mula sa Good Shepherd Sisters

Exempted man sa home quarantine ang mga food at medical supply producers, nakiusap ang DTI na kung mayroon ang mga ito ng isa o dalawang buwang imbentaryo ng mga produkto ay magpatupad ng “manufacturing holiday” upang ang kanilang manggagawa ay manatili na lang sa kanilang mga tahanan.

“While you are allowed to operate, we are making an appeal to those with huge inventories to reduce the number of people plying roads and employees reporting for work, actually we will encourage you to stop operations and let your present inventory supply the requirements of supermarkets,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez sa isang press briefing sa Malacañang.

Malaki umano ang mai-aambag ng mga manufacturers para mabawasan ang mga taong patuloy na lumalabas ng bahay kung pansamantalang ititigil ang operasyon nila.

“You can contribute a lot to the reduction of population going out of their homes. Ideally, stay at home. For those with one month, two months inventory of finished goods, I suggest you go on holiday,” aniya.

Imahe mula sa DTI

Ayon pa sa kalihim, ginagawa ng pamahalaaan ang mga nararapat na hakbang upang hindi maantala ang daloy ng mga food supply at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

“That means, not all cargoes will be checked. We are getting feedback that the movement is faster compared to yesterday,” ani Sec. Lopez.

Mag-iisyu rin umano ang pamahalaan ng ID sa mga private entities na exempted sa home quarantine.

Source :

Philstar, PNA