• Matalik na magkaibigan nadiskubreng magkapatid sila matapos ang 17 taon
  • Natuklasan nila na tunay silang magkapatid dahil sa social media
  • Positibo ang resulta ng DNA test ng magkapatid ang mag-bestfriend

Sa loob ng labimpitong taon ay palagi na nilang naririnig mula sa mga kaibigan at kakilala na magkamukha sila at parang magkapatid, na lagi naman nilang sinasagot ng “Hindi, mag-bestfriend lang kami.”

Imahe mula kay Toya Wimberly

Si Ashley Thomas, 31, at Toya Wimberly, 29, mula sa Pensylvannia sa Amerika, ay unang nagkakilala noong nasa grade school pa sila sa Sulzberger Middle School sa Philadelphia.

Magmula noon ay naging malapit silang magkaibigan at nagturingan na parang magkapatid. Nitong nakaraang linggo lang, nadiskubre na tunay silang magkapatid at iisa ang kanilang ama.

Fifteen years ago noong edad 16 pa lang siya, nalaman ni Ashley na ang amang kinagisnan at nagpalaki ay hindi niya tunay na ama. Maagang yumao ang kanyang ina at hindi nito nasabi kung sino ang biological father niya.

Salamat sa social media dahil sa pamamagitan niyon ay nakilala niya ang tunay na ama at iyon ay ang tatay ng bestfriend niyang si Toya.

Nagkaroon ng engagement party si Toya at ang ilang larawang kuha sa party ay ipinost niya sa Facebook. Nakita ng matalik na kaibigan ng ina ni Ashley ang mga larawan kung saan kasama ang ama ni Toya na si Kenneth Wimberly.

Screenshot mula sa ABC6 video

Lagi umano nilang kasa-kasama si Kenneth noong araw. Nang tanungin si Kenneth, sinabi niyang kilala niya ang ina ni Ashley at kaibigan nito. Doon na nila naisip na pagtagni-tagniin ang mga bagay-bagay.

Nagdesisyon silang magpa-DNA test at lumabas nga sa resulta na anak din ni Kenneth si Ashley.

“The truth finally aired that we are blood sisters!!! That’s why we’re so similar, that’s why we look so alike, that’s why we’ve been inseparable since the 6th grade,” post ni Toya sa Facebook noong February 24.

Screenshot mula sa ABC6 video

“God Works in Mysterious Ways,” post naman ni Ashley noong Feb. 26.

“Momma you got some explaining to do. I wish you was Here to see the look on your Face,” biro pa niya.

Si Ashley at Toya ay parehong nagdadalantao ngayon at ang mga ama ng kanilang mga dinadala sa sinapupunan ay magkapatid din.

Matinding twist of fate ano?