• Jinkee Pacquiao nagbigay ng payo kung paano magiging matibay ang pagsasama ng mag-asawa
  • Sinabi niya na dapat habaan ang pang-unawa at pasensya
  • Ibinahagi niya na nalampasan nila ni Manny ang mga naging hamon sa pagsasama nila dahil ang Panginoon ang nasa sentro ng kanilang pag-iibigan

Sa dalawang dekada ng pagsasama nilang dalawa ni Fighting Senator Manny Pacquiao bilang mag-asawa, hindi maikakaila na may ilang bagay na nalalaman si Jinkee tungkol sa pagmamahalan at buhay may-asawa.

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Sa pinakabago niyang vlog, ibinahagi ni Jinkee ang relasyon niya kay Manny at binalikan ang mga alaala ng mga panahong lumipas simula noong magsama silang dalawa sa edad na 20 anyos.

Habang nagbibigay ng house tour sa malaki at magarbong mansion nila sa General Santos City, sinabi niya na batang-bata pa sila nang magsama bilang mag-asawa.

“Kasi kami ni Manny parang nagsama kami 20 years old ako. Same age actually kami. So, batang-bata pa kami noong nag-umpisa kami,” ani Mrs. Pacquiao.

“S’yempre ‘pag umpisa pa lang kayo, para kayong bata pa masyado. Puro happiness lang ang iniisip n’yo hindi n’yo pa nalalaman na may nag-aabang na mga trials. ‘Pag sa umpisa pa lang puro masarap, ganyan, happy. As the day goes by…ay ito pala. Hala, bakit ganito siya,” patuloy niya.

At ang payo niya para maging mas matibay ang pagsasama ng mag-asawa ay pang-unawa at pasensya.

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

“Kailangan talaga maging understanding ka at saka pasensya… mas habaan mo ang pasensya mo para mas magtagal kayo,” payo niya.

Sinabi pa ni Jinkee na bukas naman sa publiko ang buhay nilang mag-asawa at nalampasan nila ang mga pagsubok na humamon sa tibay ng pagsasama nila dahil ang Panginoon ang ginawa nilang sentro ng kanilang pag-iibigan.

“Until now we’re still together kasi ang Panginoon ang pinakasentro sa lahat ng ginagawa namin sa lahat,” aniya.

Lima ang naging bunga ng pagmamahalan nina Manny at Jinkee – sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel.

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Source :

YouTube