• Mga online sellers ng overpriced rubbing alc0hol at face masks nahuli ng mga awtoridad
  • Nagsagawa ng operasyon ang PNP-CIDG matapos makatanggap ng mga reklamo laban sa mga suspek
  • Nilabag ng mga suspek ang Consumer Act of the Philippines at DTI MC No.20-07 o “Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying”

Ilang online sellers na nagbebenta ng overpriced ethyl alc0hol ang nahuli ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon matapos ireklamo ng mga netizens.

Imahe mula sa PNP-CIDG

Noong Huwebes, ika-20 ng Marso, tatlong online sellers ang nasakote ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang operasyon – dalawa sa Sangandaan sa Caloocan City at isa sa Bambang sa Sta. Cruz, Maynila.

Bistado sina Jeffrey Zapanta at Albert Mandap ng Sangandaan sa ginagawang overpricing ng nagkakaubusang rubbing alc0hol matapos silang ireklamo ng mga ka-transaksyon sa internet. Ibinebenta nila sa halagang P140 bawat 500 ml ng nasabing produkto, na ang regular price ay nasa pagitan lang ng P61 at 75.

Narekober mula sa kanila ang 120 botleya ng produkto.

Si Evangeline Endozo, saleslady ng JKOS Medical Supplies and Equipment sa Bambamg, ay nahuling nagbebenta ng 60ml rubbing alc0hol sa presyong P80 bawat isa. Kinumpiska ng mga awtoridad ang 1.380 bottles ng overpriced products mula sa tindahan.

Sa Zambonaga City, tatlong pasaway na online sellers din ang nasakote ng PNP-CIDG sa entrapment operation.

Imahe mula sa Shopee

Kinilala ni CIDG Chief P/Colonel Tom Tuzon ang mga mapagsamantalang online sellers bilang sina Arnel Salih Santos, 33, residente ng Sitio Talungun, Barangay San Roque; Arman Graciano Plateros, 32 ng Barangay Vitali; at Maria Azha Solis Arroyo, 32 ng Zone 3 Barangay Guisao sa nasabing lungsod.

Sa Cauayan, Isabela ay nahuli naman si Michael Bravo sa pagbebenta ng overpriced alc0hol at N95 face mask.

Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamong paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Department of Trade and Industry Memorandum Circular No.20-07 o “Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying.”