• Business group magdo-donate ng 1 million liters ng ethyl alcohol
  • Ipamamahagi ng Alliance Global Group, Inc. ang 70% ethyl alcohol sa pamamagitan ng DOH
  • Saludo ang AGI sa mga frontliners na siyang tunay na mga bayani sa panahong ito na puno ng mga paghamon

Isang milyong litro ng 70% ethyl alcohol na magagamit bilang disinfectant ang ido-donate ng grupo ng business tycoon na si Dr. Andrew L. Tan upang tulungan ang pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Shopee

Ayon sa Alliance Global Group, Inc. (AGI), ang 850,000 liters ng 97% ethyl alcohol ay idaraan sa denaturation process para ma-convert iyon bilang sanitation at disinfectant na maaaring magamit ng mga ospital, clinics at government agencies na walang-kapagurang kumikilos upang pigilan ang pagkalat ng SARs-COV-2, ang virus na nagsasanhi ng COVID-19, sa buong bansa.

Ipamamahagi umano ng AGI ang alcohol sa pamamgitan ng Department of Health (DOH).

“Through the Department of Health, we hope to distribute disinfectant alcohol to as many, if not, all the hospitals and clinics that are treating COVID-19 patients all over the country. We need to protect our frontliners – the doctors, nurses, and other healthcare and medical personnel – whose lives are at risk in protecting and treating people from this virus,” sabi ni Kevin Andrew L. Tan, chief executive officer ng AGI.

Imahe mula sa AGI

Bukod sa mga ospital at iba pang medical institutions, ang malaking bahagi ng donasyon ay ipamamahagi sa iba pang frontliners tulad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at mga marshals mula sa iba’t ibang local government units na hantad sa panganib na dala ng virus dahil sa pagpapatupad nila sa enhanced community quarantine.

Pahayag ni Tan, kaisa sila ng ating bayan sa laban para mapuksa ang COVID-19. Aniya, saludo siya sa mga frontliners na siyang tunay na mga bayani sa panahong ito na puno ng mga paghamon.

Source :

AGI, ABS-CBN