• Mga guwardiya ng subdivisions hindi dapat kinukuha ang driver’s license ng motoristang bumibisita
  • Tanging LTO officials lang ang maaaring kumuha ng lisensya ng mga motorista
  • Ang mga guwardiya o homeowners officials na lalabag ay papatawan ng multang mula P5,000 hanggang P50,000

Pinaalalahanan ng isang abogado ang mga subdivision na hindi nila dapat kinukuha ang driver’s license ng mga motoristang bisita dahil labag iyon sa batas.

Imahe mula sa Alabang Bulletin

Ang paalala ay kasunod ng mga napapaulat na nakagawian na ng maraming subdivision — ang pagkuha ng mga lisensya ng mga motoristang pumapasok o bumibisita sa subdivision.

Ayon kay Attorney Noel Del Prado, tanging ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang mayroong karapatang kumuha ng driver’s license ng mga motorist.

“Nasa kapangyarihan nila (ng mga subdivisions) na panatilihin ang kaligtasan pero sa pagkakataon na ito merong specific provision of laws na nagbabawal,” ani Atty. Del Prado sa panayam sa kanya sa radyo.

Nakasaad din umano ang ganitong pagbabawal sa memorandum order mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), partikular na ang Resolution number 001 series of 2017 mula sa HLURB board na nagsasabing hindi nila maaaring kunin ang driver’s license ng bisita ng subdivision, lalo na ang mga motorista.

It shall be prohibited to require the driver of any vehicle entering the subdivision or condominium to surrender his/her driver’s license. The association is not authorized under the traffic laws to take custody, even on a temporary basis, the license issued by the Land Transportation Office,” ayon sa nasabing resolusyon.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Inirekomenda ni Del Prado sa mga driver na bibisita sa subdivision na magbigay ng ibang identification card. Hindi naman kailangang government-issued ang ID.

Ang mga guwardiya o homeowners officials na lalabag ay papatawan ng multang mula P5,000 hanggang P50,000.

Imahe mula sa Autoindustriya