• Interesado si Health Secretary Francisco Duque III sa proposal na i-deploy ang mga medical graduates sa pagtugon sa health crisis kahit wala pa silang lisensya
  • Ang proposal ay mula kay Senator Francis Tolentino
  • Sa ilalim ng Medical Act of 1959, nakasaad na sa panahon ng mga pandemics o national emergencies, ang mga medical students at medical graduates ay maaring magserbisyo

Interesado si Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque III sa proposal ni Senator Francis Tolentino na hayaang makapag-practice ng kanilang propesyon ang 1,500 medical graduates at tumulong sa pagtugon sa health crisis kahit wala pang lisensya.

Imahe mula sa Lyceum-Northwestern Northwestern University, College of Medicine

Noong Lunes, ika-23 ng Marso, ay nagmungkahi si Senator Tolentino sa DOH at sa Philippine Regulation Commission (PRC) na payagang makapagbigay ng medical services kahit hindi pa sila pasado sa licensure examinations ang mga bagong graduate ng kursong medisina.

“It is a very good recommendation and we are studying the specific provision of the law that we can implement as soon as possible,” sabi ni Health Secretary Duque.

Sa mungkahi niya, binanggit ni Senator Tolentino ang Section 12 of Republic Act No. 2382 o Medical Act of 1959 kung saan nakasaad na sa panahon ng mga pandemic o national emergencies, ang mga medical students at medical graduates ay maaring magserbisyo.

“…Medical students who have completed the first four years of medical course, graduates of medicine, and registered nurses are allowed to render medical services upon authorization by the Secretary of Health without need of a certificate of registration,” ayon sa Medical Act of 1959.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Sa dami ng mga pasyenteng inaasikaso dahil sa nararanasang health crisis, maraming health workers ang pagod na at ang iba ay naka-quarantine na rin dahil sa exposure sa coronavirus.

“Kahit wala pa po tayong imbentaryo, marami na tayong report na nakukuha na marami na pong hospital especially the private hospitals na nagkakaroon na ng exhaustion of their system,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan ay mahigit 500 na ang confirmed cases ng coronavirus infection sa bansa at 33 na ang sinawimpalad na hindi nakaligtas.

Screenshot mula sa ABS-CBN video