• Campus ng DLSU Manila Campus binuksan para sa mga homeless ng Maynila
  • Mananatili ang mga homeless sa DLSU campus hanggang matapos ang enhanced community quarantine
  • Nanawagan ang DLSU ng donasyon mula sa bukas-palad na publiko

Binuksan ng De La Salle University ang pintuan ng campus nito upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga homeless people sa Lungsod ng Maynila habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Imahe mula sa DLSU

Sa Facebook page ng unibersidad, sinabi nito na pitumpu’t pitong indibidwal, kabilang ang matatanda at kababaihan, ang kasalukuyang nasa 2nd floor ng Enrique Razon Sports Center. Mananatili sila roon hanggang matapos ang Luzon-wide lockdown.

“De La Salle University serves as a temporary sanctuary to the homeless in Manila during the enhanced community quarantine. Seventy-seven individuals, among them women and elderly, are currently staying at the 2nd floor of the Enrique Razon Sports Center until the Luzon-wide lockdown is lifted,” post ng DLSU sa Facebook.

Ang inisyatibong ito ng DLSU Manila Campus ay sa pakikipagtulungan sa Divine Word Missionaries (SVD) sa pamamagitan ng kanilang KALINGA Program. Ang mga SVD volunteers ang nangangalaga sa mga pangunahing pangangailangan ng mga taong nagkakanlong sa sports center ng unibersidad.

Imahe mula sa DLSU

“The initiative is in partnership with the Divine Word Missionaries (SVD) through their KAin, LIgo NG ayos (KALINGA) Program. SVD volunteers are looking after the basic needs of those who are taking shelter at the Sports Center,” ayon pa sa DLSU.

Nananawagan ang DLSU ng tulong sa mga bukas-palad na publiko para sa mga kinakalingang homeless people sa pamamagitan ng cash donations na ipambibili ng pagkain, medisina at health kits.

Imahe mula sa DLSU