• DOH gumamit ng TikTok video para magbigay ng tips upang hindi kumalat ang COVID-19
  • Nakapagbigay ng apat na tips ang DOH sa loob ng sampung segundong TikTok video
  • Natuwa ang mga netizens sa pagsunod ng DOH sa nauusong TikTok video

Patok sa mga tao, bata man o matanda, ang mga video sa TikTok, ang popular na video-sharing platform mula sa China na usung-uso ngayon sa social media.

Screenshot mula sa TikTok video ng DOH

At dahil marami ang nahuhumaling sa panonood ng mga TikTok video ay ginamit na rin ito ng Department of Health (DOH) upang makapagbigay ng mga tips kung paano makaiiwas sa karamdaman na dulot ng COVID-19.

Sa loob lang ng sampung segundo ay nakapagbigay ang DOH ng apat na pamamaraan kung paano maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ibinahagi ng ahensya ang TikTok video nito kung saan makikita ang ilang kawani na nagsasayaw sa saliw ng kanta ni Zsa na “The Weekend.”

Hinikayat ng DOH na makiisa ang publiko sa COVIDANCE challenge.

“DOH is officially on TikTok. Learn protective measures against COVID-19 in this TikTok video! Join the #covidance challenge!” post ng DOH sa Facebook page nito noong March 5.

Kabilang sa tips na ibinigay sa COVIDANCe ng DOH ay ang paghuhugas ng mga kamay, ang pagdistansya ng isang metro sa taong umuubo o bumabahing, ang pag-iwas na hawakan ang mukha at ang mga dapat gawin kapag umuubo.

Screenshot mula sa TikTok video ng DOH

Nagustuhan naman ng mga netizens ang pakikisabay ng DOH sa uso.

“Love it. Good thing nakisabay sa trend… another info drive. Salamat po.”

“Kudos to DOH…getting better and better.”

“Wow level up na ang DOH.”

Screenshot mula sa TikTok video ng DOH

Source :

Facebook, Twitter